Nahigang muli si Grezia sa kama pagbalik niya ng silid, wala pa rin doon ang kanyang nobyo na hindi na rin naman niya inaasahang uuwi ng gabing iyon sa nasabing silid upang samahan siya. Hindi lang maiwasan ni Grezia ngayon na makaramdam ng kalungkutan dahil sa tahimik na silid, naguguni-guni niya pa sa balintataw ang imahe ni Jholo habang hawak nito ang kamay ng ibang babae. Kitang-kita niya ang kakaibang saya sa kislap ng mga mata ni Jholo na hindi niya magawa noong makita habang siya ang kaharap nito at kasama. Ibang-iba ang aura nito na gaya kanina. “Kailan mo pa ako niloloko, Jholo?” mahinang tanong ni Grezia sa kawalan habang lumalapat ang likod sa malambot na kama na bahagyang nakakaramdam ng pagod, malalim na siya doong huminga. Hindi pa rin magawang i-proseso ang nangyari ngay

