“Naihatid mo ba siya nang maayos?” bungad ng matanda kay Dameil na kasalukuyan sa kanya doong naghihintay, nasa kalahati na halos ang gabi nang makabalik siya ng Isla gamit niya ang sariling chopper. Nakabalik na ang signal at kuryete ng nasabing Isla, kasabay ng pag-alis doon ng babaeng naging panauhin nila ng ilang araw, maliwanag nang muli ang kabuohan ng Islang iyon ngayon. Kumukutitap na muli na parang mga bituin ang buong Isla, sa gitna ng karagatan. “Natagpuan niya ba ang sadya niya doon sa Mindoro bago mo pa siya iniwanan doon, Dameil?” “Opo, Lolo.” maikling tugon ni Dameil na mababanaag ang tama ng alak sa kanyang mukha. Bagama’t alam niya pa ang kanyang ginagawa ay halata na rin siya doong ginugupo ng alak. “Mabuti kung ganun,” anang matanda na sumunod na kay Dameil na tu

