Ang pangako ni Jholo na tatawagan niya si Grezia ng araw ‘ding iyon ay hindi man lang nangyari at natupad. At kahit na nakabalik na siya ng siyudad at isang linggo na rin ang lumilipas ay hindi pa rin siya tumawag sa nobya nang dahil sa abala siya sa sunod-sunod niyang mga suliranin sa kanyang kumpanya. Samahan pa ng naging abala siya sa kanyang kababatang ipinakilala niya kay Dameil na kanyang nobya. Sobrang clingy nito at halos araw-araw ay nais na magkita sila. Bagay na nakadagdag pa sa kanya upang kalimutan ang kanyang nobyang si Grezia na isang linggo ng naghihintay ng tawag mula sa kanya. Hindi na niya iyon nagawang isingit sa kanyang labis na hectic na schedule. Hindi naman iyon napansin ni Grezia na inabala ang kanyang sarili sa negosyo nilang dalawa ni Saddie at nag-spent din siya

