Ep. 6 Cedric POV

1231 Words
KABADO AKO habang binabaybay ang daan patungo sa bahay. Ito ang unang beses na dadalhin ko si Liezel doon. Ayo'kong makita ang pandidiri at pagkadisgusto niya sa maaabutan namin. Kung si Annika nga hindi nakatagal sa bahay, paano pa kaya si Liezel na literal na sa palasyo at mala-prinsesa ang kinagisnang buhay? Pagdating namin sa lugar, pinark kong maigi ang sportscar nito sa harap ng minimart malapit sa kabahayang tinutuluyan namin. Alasyete na ng gabi pero nagkalat pa rin ang mga bata, nag-iinuman at nagchichismisan sa mga eskinitang madadaanan. Maging sa harap ng tindahan namin ay may nagkukumpulang nag-iinuman at chismisan pero kahit maingay at magulo dito, mabubuti at mababait naman ang mga tao. Natigilan sila ng bumungad kami ni Liezel ng magkahawak-kamay. Nagtanguan lang kami at inakay na siya paakyat ng second floor. Maging si nanay at tatay ay natigilan ng makita kami. Agad akong nagmano sa kanila, napangiti ako nang magmano din si Liezel at walang alinlangang bumeso sa mga magulang ko. Napamaang naman sila nanay at tatay sa kaharap. Hindi ko naman sila masisisi na ma-starstruck sa kanya dahil kung tutuusi'y daig pa niya ang mga artista sa kagandahan. "Nay, Tay kaibigan ko po si Liezel, Zel sila ang magulang ko, si Nanay Ella at Tatay Sandro" kabadong pagpapakilala ko. "Ahmm... pasensiya na iha, nakakatulala ka eh. Parang pamilyar ka, artista ka ba iha?" namamanghang tanong ni tatay habang taimtim namang nakatitig lang si nanay. "Ah hindi po Tito, magandang gabi po" magalang saad nito na matamis pang ngumiti sa mga magulang ko at 'di makitaan ng pandidiri sa liit ng espasyo namin kumpara sa mansion nila. "Tay siya po si Liezel Del Prado marahil napanood niyo na siya sa news o social media" palieanag ko at iginiya na itong maupo. Namilog ang mata ni tatay na napatakip ng palad sa bibig na nakamata kay Liezel. Namutla pa ito maging si nanay na bakas ang pagkagulat sa sinaad ko. Ang weird lang. Ngayon ko lang kasi nakitaan ng emosyon si nanay o sadyang busy lang ako kaya 'di ko nakikitang nagningning at nagulat ang makulimlim niyang mga mata. Minsan lang siya magsalita at kalimita'y nakatulala. Ayon sa psychiatrist niya ay sa depression nagsimula ang lahat. Marahil dumanas si nanay ng kalunos-lunos sa nakaraan dahilan para mawala siya sa katinuan. Pinagpapasalamat na lang namin na 'di siya mahirap alagaan. Nandito lang siya sa bahay, tahimik at parang may sariling mundo. "Hala ikaw nga! Naku ma'am, pasensiya na po kayo monoblocks lang ang upuan namin dito at walang aircon kaya mainit maupo po kayo! natatarantang paanyaya ni tatay ng makumpirmang isang heredera nga ang kasama ko. Naupo naman ito nanakangiting humarap kina nanay at tatay. "H'wag po kayong mailang sa akin, malay niyo maging manugang niyo ako someday" magiliw niyang saad kaya nasamid akong sunod-sunod napaubo! Napahalakhak pa ito samantalang napanganga naman sina nanay at tatay sa kanya. "H'wag kang magbiro ng ganyan sa kanila" saway ko. Napabaling naman ito sa akin na may pilyang ngiti sa mga labi at nagniningning ang mga mata! "Mabuti ng prangka, they are your parents kaya ba't ako mahihiyang ipahayag sa kanilang gusto kita. My intention is clean and pure baby" kindat pa nito. Ako naman ang napanganga sa sagot nito na ikinangisi nito bago bumaling kina nanay na may matamis na ngiti sa mga labi kaya lalong natutulala ang mga magulang kong kaharap nito! "Sorry po for being prank, Tita Tito"malambing saad nito na sa magulang ko nakatingin at nandon pa rin ang matamis niyang ngiti. "Ah hehe... nako wala 'yun ma'am, ikuha ka muna namin ng meryenda hah?" ani tatay na tumayo na. "Don't call me ma'am Tito, okay na po 'yong iha I won't mind" "S-Sige iha" nahihiyang pagsang-ayon ni tatay na nagtungo na ng kusinang sinenyasan akong sumunod. "Pambihira Cedric, bakit ka nagdala ng diamante dito? Baka mamaya ma-kidnap yan magkasala pa tayo?!" natawa akong napakamot sa batok sa binulong ni tatay na bakas ang pagkabahala. "Hindi naman po siguro Tay, saka hindi naman siya magtatagal dito" aniko habang nagtitimpla ng ice tea at gumagawa naman si tatay ng sandwich. "Pero infairness, mukhang totoo ngang mabait at kalog ang heredera ng pamilya Del Prado. Hindi ako makapaniwalang makikilala ko sa personal ang batang 'yan, at....ano raw? Mamanugangin namin siya? Teka...g-girlfriend mo si ms Liezel anak?!" gimbal na bulalas nitong ikinailing at mahinang tawa ko. "Naku Tay, makulit ho talaga ang isang 'yun, nung una nga naiinis ako sa kanya at nayayabangan sa kaprangkahan niya pero kalaunan ng mas nakilala ko na siya? Mabait din pala, sadyang may pagkakalog lang kaya minsan 'di mo mawari kung seryoso o nagbibiro sa mga sinasabi pero....mapagbiro ho 'yon kaya h'wag niyo ng seryosohin ang sinabi kanina. Magkaibigan lang po kami" tumango-tango naman ito na mukhang napaniwala ko. Pagbalik namin natigilan kami ng makita sila ni nanay magkalapit na at nakahaplos ang kamay ni nanay sa pisngi nito na kapwa nakangiti sa isa't-isa. "I don't know if you understand me either but I want you to recognize my face Nay. This girl infront of you will soon to be your daughter inlaw, only if your son choose me. I don't know the whole story of your life Nay but I want to thank you for being brave and giving birth to Cedric. Don't worry about your condition and status in life, nothing's change about my feelings for your son. I love him so much with all his flaws in life. And I love everyone he loves too especially you Nay and Tatay Sandro" pagkausap pa nito kay nanay na matamang nakatitig dito. "Damn what am I doing?" napakamot sa ulong tanong nito sa sarili. Nakangiti at taimtim lang naman na nakatitig si nanay sa kanya na parang naiintindihan ito. Tumikhim ako kaya naglayo na sila at umayos si Liezel ng upo. MASAYA ITONG nakipagkwentuhan sa amin. Mukhang nahuli nga niya ang kiliti ng magulang ko. Kakaiba din ang ningning sa mga mata ni nanay habang nakatitig dito. Kalauna'y hinatid ko na ito sa labasan dahil palalim na ang gabi. Nag-streetfood na muna kami kagaya ng madalas naming gawin bago ito umuwi. Sobrang saya ko na nakagaanan nito ng loob ang magulang ko 'di tulad noong si Annika ang pinakilala ko na halos hindi ito tumagal ng limang minuto sa loob ng bahay. 'Di man lang nagmeryenda, umupo o nakishakehands sa magulang ko. Naiintindihan ko naman siya lalo't anak mayaman ito kaya akala ko ganun din si Liezel pero..... nagkamali ako. Third person pov especial chapter: Nagulat ang magasawa ng makilalang ang dalagang heredera ng Del Prado ang kasama ng anak na dinala sa kanilang tahanan. Laking tuwa ng ina ni Cedric ng makilalang ito ang batang inaanak, ang panganay ng matalik na kaibigang si Sofia Gonzales Del Prado. Lalong napangiti ang ginang ng maiwanan sila sa sala at agad lumapit ang dalaga. Magalang na nakipag-usap at walang makitang kaartehan ito. Kuhangkuha nito ang mukha ng ina sa pagkadalaga maging ang pagiging down to earth nito. Maluhaluha ito habang kinakausap ng dalaga at pinagtatapat ang pagibig sa anak. Ngayon nagkaroon na siya ng pag-asang maibalik si Cedric sa mansyong dapat nitong kinalalagyan. Tama na ang dalawampung taong paghihirap, pagtatago, at pagpapanggap niyang baliw para matakasan ang nakaraan. Malaki na ang anak nito at nararapat lang na makuha nito ang dapat ay para dito at hindi ibang tao ang nagpapakasasa sa buhay na inagaw para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD