Chapter 5 Liezel POV

2103 Words
NAPANGUSO ako na hinila si Cedric papasok ng kwarto. Nangingiti kong muling mahigpit itong niyakap na isiniksik ang mukha sa dibdib nito. Lalo akong napangiti na maramdaman itong niyakap ako pabalik. I feel relief. A comfort that only him can do. Kahit paano'y naibsan ang bigat sa dibdib ko na nandidito ito ngayon kasama ko. Kumalas na ako na iginiya ito paupo sa gilid ng kama. May bahid ng lungkot ang mga mata nitong matiim na tumitig sa akin. "Kumusta?" anito at hinaplos ako sa pisngi. Igrab his hand and slowly kiss his fingers while seductively staring at him. I smile when he blush because of what I did. "L-liezel naman," mahinang saad nito na pinamumulaan ng pisngi. "You know that I'm obsessed of you, right?" tudyo ko. Napahalakhak ako nang lalong namula ito na 'di na makatingin sa mga mata ko. Napalapat itk ng labi na pinipigilang mapangiti. "Just kidding. Mamaya tumakbo ka bigla. Thanks for coming, baby. I feel better now that you're here with me," paglalambing ko. Pilit itong ngumiti na muling napatitig sa akin ang nanlalamlam niyang mga mata. "Hindi ka kasi pumapasok. Hindi mo rin sinasagot ang mga text at tawag ko. Nasabi ni ms Diane ang nangyari, maging sila nag-aalala sa iyo. Mahal na mahal mo talaga siya, noh?" maalumanay nitong saad habang nangingiti lang naman akong nakatitig dito. Damn! I missed him so much! Ilang araw ko ding hindi ito nakita, nakulit at nakausap sa pagmumukmok ko. "Who?" nakangisi at painosente kong tanong. Napanguso naman ito. He's really cute everytime he's pouting like a baby in front me. My shy baby tsk. "Ex mo," mahinang sagot nito. "Tsk. I feel broken but it's not because of him. Nasaktan ako kasi 'yong lalakeng gustong-gusto ko. . . bestfriend ko pala ang kasintahan niya. Nakakainis eh" Saad ko na ikinamula nitong napalunok na ikinangisi ko. "Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, right?" tudyo ko. Nasamid ito at namula pa lalo ang mukha na napapayuko na naman. Napakamahiyain niya lang talaga. "Mukhang okay ka na. Pumasok ka na bukas ha? Hindi dahil school mo 'yung university, papasok ka lang kung kailan mo gusto," pag-iiba nito na halatang hindi komportableng pag-usapan ang tungkol sa amin. Teka. . . ano nga bang meron kami? Tsk! Ako lang naman itong assuming na kini-claim siyang akin. "What brings you here, baby?" pag-iiba ko. "Is it to check on me?" dugtong ko pa na nangingiti ditong hindi masalubong ang mga mata ko. "Sinabihan ako ni ms Diane na puntahan ka. Hindi mo daw sila hinaharap eh." Napanguso ako sa isinagot nito "Uhm. . . akala ko pa naman nag-aalala ka sa akin," malungkot kong turan na napatango-tango. "Nag-alala din naman. Akala ko nga galit ka sa'kin eh" Anito na pilit ngumiti. "I'm sorry about last time, Zel. Naggpanggap pa tuloy tayong hindi magkakilala. 'Di ko naman alam na bestfriend mo pala si Nika," malungkot ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin na hindi ko batid kung para saan ang lungkot no'n. "Do you really love her?" tanong ko na umaasang iiling ito o kahit magsinungaling na lang at sabihing konti lang. "Oo sobra." Napapikit akong nagtagis ang panga sa sinagot nito na nakangiti! Damnit! It breaks my poor heart huhu. Fvck! Ang hirap namang makiagaw! "Labas na. Gusto ko nang matulog," inis kong singhal na akmang hihiga na sa kama pero kaagad ako nitong pinigilan. "H'wag ka namang ganyan. Gusto mo bang lumabas tayo?" Parang humaba ang tainga ko sa narinig na alok nito! I can't help myself but to smile of what I heard. "Are you asking me to go on a date, baby?" excited kong tanong na ikinatawa nitong ginulo ang buhok ko. "Yeah as a friend." Napaismid akong ikinatawa lang nito. "Damn, Cedric. Kailan pa nag-date ang magkaibigan?" "Ikaw eh, ilalabas lang kita para mapagaan ang loob mo. Ayo'ko din namang nasasaktan ka kahit pa napaka alaskador mo sa'kin." Sagot nito na nangingiti. Napangiti ako sa isinagot nito at lalong nahuhulog ang puso kong nagkakanda dugsdugsdugs na ang tunog! "Why don't just admit that you missed me, baby." Ungot ko na pinapabebe ang boses at nagpakurap-kurap ditong ikinailing lang nito. "Uwi na nga lang ako." Inunahan ko na itong tumayo. "A. . . ahh. Not so fast, baby. I'll just take a shower hmm? Wait for me or better. . . join me, baby." Paanas kong ikinamula nito na nag-iwas tingin. "Maligo ka na nga. Nangangamoy ka na oh? Hintayin kita sa baba," natatawang saad nitong ikinamilog ng mga mata ko! Napaangat ako ng mga brasong inamoy-amoy ang sarili at sinamaan ito ng tingin ng napahagalpak ng tawa. In fairness, ang sarap sa tainga ng malutong niyang pagtawa. Lalong gumugwapo na halos magsarado na ang ang mga chinitong mata nito. "Damn, Cedric. Ang bango ko nga eh!" Tumayo na itong yumuko pa at sininghot ako sa leeg na ikinatigil ko at bilis ng t***k ng puso ko! "Oo na, binibiro lang kita. Maligo ka na do'n Hintayin kita sa baba hmm? Magpaganda ka, huh?" paanas nito na napisil pa ang tungki ng ilong ko. "Hoy! Maganda na ako. Sobra-sobra pa nga eh. Ikaw lang naman itong hindi nakaka-appreciate ng ganda ko." Ingos ko dito. Nangingiti lang naman itong hinaplos ako sa ulo na matamang nakatitig sa mga mata ko. Parang mas gusto ko na lang tuloy dito na lang kami sa kwarto ko. Lalo na't nalalaglag na ang panty ko sa uri ng pagtitig nitong nakakalunod! Kaloka! Lalo niya akong binabaliw! Lintek naman oh! "Oo na, iapila mo pa. Maligo ka na, ms Del Prado. Nang mai-date mo na ako," anito na kinintilan pa ako ng magaang halik sa noo kong ikinaiirit ng puso ko! "Dito pa," nguso ko na ikinailing nitong nag-smack kiss sa mga labi ko. "Bilisan mo, hintayin kita sa baba." Anito na hinaplos ako sa ulo bago lumabas ng silid. Nangingiti akong nagtungo ng banyo na mabilis naligo. Mahirap na't baka magbago ang isip ng baby ko at bawiin ang sinabing date namin! Wearing my denim highwaist white short, white croptop and white rubber shoes. I immediately go down stairs and there he is. Patiently waiting for me in our living room. Tumayo na ito na malingunan ako at sinalubong. "Di ba pwedeng magpantalon ka?" bulong nito ng mapasadaan ang kabuoan ko na napapalunok at bakas sa mga mata ang paghanga! "Why?" "Ayoko lang na mabastos ka," mahinang bulong nito. "Tsk, sa ganda ng pangangatawan mo, 'di mo ba ako kayang ipagtanggol?" Yumakap na ako sa tagiliran nito at lihim na napangiti ng umakbay din ito habang palabas na kami ng mansion. "Kaya ko naman ka--ummpt." Natigil ang ipo-protesta pa sana nito ng hinila ko na sa batok at mariing hinalikan sa kanyang mga labing pinangungulilahan ko ring muling matikman! Dinig ko pa ang impit na tilian ng mga maids sa amin na nakakita sa aming naghahalikan! "Don't worry about my safety, baby. Kaya ko ang sarili ko and besides, herever I go, there's always my bodyguards watching over me 24/7," aniko sabay kindat at yumakap ng muli sa tagiliran nito na inakay palabas ng mansion. Sumakay kami sa sportscar ko at siya na ang nagmaneho. Sinadya kong dukwangin ito at pinagtapat ang mukha namin na halos ikaduling nito. Dahan-dahan kong ikinabit ang seatbelt nito na taimtim itong tinititigan sa mga mata kaya makailang beses pa itong napalunok. I smirk at him when our eyes met at napababa sa mga labi nito ang mga mata ko. "You have no idea how much I missed you," I whispered while staring at him. I smiled when he caress my cheeks and smile back. "I miss you too, Liezel. Hinahanap-hanap din kita. Ang boses mo, ang mukha mo, ang kakulitan mo. 'Yang mga pagngisi mo, lahat sa'yo. No'ng wala ka? Pakiramdam ko ay sobrang bagal lumipas ng oras," mahinang pag-amin nito. Napalunok ako sa sinaad nito na matiim ding nakatitig sa mga mata ko. I can see sincerely in his eyes and I can't help myself for claiming his redish smoot lips. I smile when he grab my neck and deeper our kiss! We're both gasping for air after that passionate kiss we shared in my car! "Your kiss is improving, baby." I comment while smirking at him and there he blush again. He even bit his lower lip unintentionally, damn! He's so f*****g hot and innocent in my eyes while doing that. "Sinong 'di gagaling kung ikaw ang kahalikan," nahihiyang sagot nito. I laugh of what he said that makes him laugh too. Damn. Only him can make me feel this way. "I know right. So where do you want us to go, baby?" Aniko. "Ikaw, saan mo ba gusto?" balik tanong nitong ikinangisi ko. "Don't asked me, baby. Baka sa hotel ang bagsak natin." Malanding saad ko. Natawa ako nang sunod-sunod itong mapaubo sa pagkakasamid sa sinaad ko. "Just kidding, baby. I know you're not yet ready." Pagbawi ko. "I want to go to your house, is it okay with you?" Natigilan ito at napalunok. He already told me about their situation. He's living with his especial mom together with her lesbian LIP named Sandro. "I want to know you more, Cedric. I want to meet all those people around you, especially your mom." Tipid itong ngumiti at tumango. "Sige," pagsang-ayon nitong ikinangiti ko at umayos na ng upo at nagsuot ng seatbelt. HUMINTO muna kami sa nadaanang resto. Pagpasok ay 'di maiwasang pinagtitinginan kami ng mga tao. Agad naman kaming ini-assist ng sumalubong na waiter at dinalhan ng inuming order namin ng baby ko. Isang oras lang kami dito dahil mahirap ng malasing kami. Napapangiti na lamang ako dahil ramdam kong kabado siyang ipakilala ang magulang niya sa akin. Paalis na kami ng bar ng may limang lalaking humarang sa amin. Malalaking tao at puno ng tattoo ang pangangatawan. Napalunok ako ng nagngising aso ang mga ito sa amin at kita sa mga mata nila ang matinding pagnanasang nakatutok sa akin! Iginiya ako nito sa likuran nito at humarap sa lima. "Bata, umuwi ka na, ipaubaya mo na sa amin ang kasama mong dilag," ani ng leader nila sabay tawanan. Magsasalita sana ito nang hinila ko ito sa tabi ko. Humawak ako sa kamay nitong ikinatigil nitong nagtatakang napatingin sa akin. Maka-ilang beses kong pinisil-pisil ang palad nito para kalmahin sa pagkakahigpit ng hawak nito sa kamay ko. "Do you want me, bastars?" nakangisi kong saad sa mga ito na nagkatinginan sa isa't-isa! Nanlalaki ang mga mata ni Cedric sa sinabi kong kinindatan ko. Lalo namang lumawak ang pagkakangiti ng mga pangit na malalaking mamang kaharap namin. "Madali naman palang kausap. Ano, ms beautiful? Tara na, sumama ka sa amin." Ani ng leader nilang ikinangisi ko. "Sure. Let's go outside then," nakangising asong saad ko. Nagdidiwang ako sa loob-loob ko na may gagawin akong punching bag ngayong gabi. Para mailabas ang gigil at kabang nararamdaman ko sa pagpunta namin ni Cedric sa bahay nila! Lumabas na kami ng bar at sumunod naman ang mga ito sa amin ni Cedric na nagtatawanan pa. "Ano bang ginagawa mo?" madiing bulong nito. "Relax, baby. I know what I'm doing. Just trust me, hmm?" bulong ko na nag-smack-kiss sa mga labi nito na matamis itong nginitian. Pagkalabas namin ng bar, tumungo kami sa kanto kung saan walang ibang tao. Nakangisi pa ang mga ito at napapadila sa kanilang bibig habang puno ng pagnanasa ang mga mata! "Shall we start?" aniko na itinabi si Cedric sa gilid. Ayo'ko namang pati ito ay madamay. Puno ng takot at pag-aalala ang mga mata nitong nginitian ko. "Liezel," mahinang sambit nito. "Kaya ko ito, baby. Just watch me," kindat ko dito sabay harap sa lima. Akmang lalapit na ang mga ito nang muli akong nagsalita at seryosong humarap sa kanila. "Tsk. Kawawa naman kayo. Ang papangit niyo na nga. . . malulumpo pa kayo," naiiling pang-uuyam ko na nagngising aso sa mga ito. Mabilis ko silang sinugod at ilang saglit lang ay nakahandusay na sila sa semento! Bawat suntok at sipang pinakawalan ko ay sapul sa mga ito. Namimilipit sila sa sakit dahil sa pambabali ko sa mga braso at binti nila. "Ooppsss. Sorry. Napasobra, mukhang malulumpo na nga kayo." Pang-uuyam ko pa. Pinagdiinang tapakan ang mga braso nila bago hinila si Cedric pabalik ng kotse. "Sorry about that, baby. Don't be afraid of me, huh? Hindi ko iyon ipaparanas sa'yo," baling ko dito. Nakangiti akong tumitig sa kanya sabay kindat kaya natawa na rin ito. "Damn, Liezel. Tinakot mo ako--uhhmm." Natawa ako na napunta sa ungol ang sanay pagalit nito sa akin na napayapos sa baywang ko at tinugon din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD