NAPABALIKWAS AKO ng madaling araw na pero may nagdo-doorbell sa labas ng unit ko. Napapasabunot na lamang ako ng ulo sa pagkabitin ng tulog ko. Muntik pa akong matisod dahil nakapikit akong naglalakad sa hapdi ng mga mata kong antok na antok pa. Sinilip ko ito peephole at biglang nagising ang inaantok kong diwa na masilip sa labas ang baby kong nakayuko! Kaagad kong pinagbuksan ito na may malapad na ngiti sa mga labi at bumungad sa akin si Cedric na lasing na lasing! Napalis ang ngiti ko at parang kinurot ang puso kong makitang napakakulimlim ng mga mata nito at halos hindi na makatayo ng maayos dala ng kalasingan! Napapilig ako ng ulo dahil si Cedric ang uri ng taong hindi basta-basta umiinom lalo na ang maglasing. Mapupungay na ang mga namamaga nitong mata at pulang-pula na rin ang its

