NAKALIPAS ANG dalawang linggo mula ng magising si Liezel ay nakalabas na ito ng hospital. Nanatili kaming dalawa dito sa America para sa kanyang tuluyang pagpapagaling. Wala na nga kaming ibang ginawa sa loob ng kanyang penthouse kundi humilata, kumain,magharutan at mag-workout. Mas lalo yatang naging pilya ito ngayon na lagi na lamang akong kinakantahan gamit ang buhay kong microphone. Isang buwan lang ang inilagi namin dito at bumalik na sa dati ang pangangatawan nitong nangayayat dati. Bumalik din kami ng bansa at nagpatuloy sa pag-aasikaso ng aming kompanya. Nagkaayos na rin kami ni daddy at humingi ng tawad sa akin. Naging tahimik nga ang buhay namin sa pag-alis ni Louis sa poder ni daddy. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon at wala akong balak alamin pa. Galit pa rin ako sa

