NAGISING AKONG kumakalam ang sikmura. Napakapa ako sa katabi at napakunotnoo ng hindi ko makapa si Liezel. Napamulat ako at kitang mag-isa na pala ako sa kama nito. Napahilot ako sa ulo kong kumikirot dala ng hang-over ko. Numangon na ako at nakita sa wallclock na pasado alasdyes na ng umaaga. Agad akong lumabas at nagtungo ng kusina nito. Napangiti na lamang ako ng makitang may pagkain ng nakahain sa mesa. Nagtimpla na muna ako ng kape at nagsimulang kumain. Nakita ko ang note sa ibabaw ng mesa kaya dinampot ko iyon na binasa habang sumisimsim ng kape. "Good morning sleeping handsome. Eat your breakfast huh? I love you my baby" 'di ko mapigilang mapangiti pagkabasa sa note nito. "Good morning too baby, 'di mo manlang ako ginising" pagkausap ko sa papel. Pagkatapos kong kumain ay naglig

