Chapter 5

1481 Words
ARAW ng pagtatapos. Napakalungkot nga lang para kay Mia na magmamartsa siya na wala ang mga magulang niya. Ni hindi man lang pinahalagahan ng mga magulang niya ang espesyal na araw sa buhay niya. Sa halip na mga ito ang pupunta ay si Marta ang inutusan. Nakabihis na siya ng pang-graduation niya. Magara ang kasuotan niya at kumuha pa ng magaling na make-up artist ang mommy niya para maging kaayaaya at maganda ang anyo niya. Subalit hindi iyon ang nagpapasaya sa kaniya. May mas nakahihigit pa roon. "I don't need all of these. I want their presence. Ako lang ang walang magulang sa school. Puro na lang sila negosyo. Paano naman ako? Sana inisip man lang nila ang araw na ito, kahit ngayon lang," maktol niya habang inaayusan siya ni Romeo, ang transgender na make-up artist. Naroon din sa silid niya si Marta. Bakas na bakas ang madilim niyang mukha na makikita sa malapad na salamin. "Kahit wala ang parents mo, hija, you must be happy dahil ikaw ang validectorian ng buong batch n'yo. Ngayon pa lang ay binabati na kita," malambot na saad ni Romeo. "Thank you so much, Tita Rom. But, it's not enough. Mabuti pa nga kayo na hindi ko mga magulang o kamag-anak, may concern sa akin," himutok niya. "'Nak, intindihin mo na lang ang parents mo. Nataon lang talaga na kailangan sila sa factory," sabat ni Marta, "Nagkataon din na maraming order sa factory kaya parehong busy sila. Sinabi naman ng daddy mo na babawi sila next time 'di ba?" Napasulyap siya kay Marta sa pamamagitan ng salamin. Nasa likuran lang niya ito. "Once in a lifetime lang po ako ga-graduate ng high school, paano pa po sila makababawi? Unless uulit ako ng high school. Noong elementary graduation ko same scenario. Sana naman po sa college ko sila na ang magpaparamdam. They're the reason kung bakit lumala ang sakit ko. There's no cure kung hindi nila babaguhin ang mindset nila. Nasasaktan na ako sa ginagawa nila sa akin. I need their time." Hindi niya natimpi ang sarili na manisi, halos mangiyak na siya. "Naku, hija, huwag mo namang sabihin iyan," malamyang saway ni Romeo. "At saka huwag kang iiyak. Ito pa naman ang pinakamagaling kong serbisyo. Sayang ang ganda mo kung iaanod kang ng mga luha mo." Humaplos si Marta sa balikat niya. Nauunawaan nito ang nararamdaman niya. She was right. She have a lot of things that money can afford. Kaya ganoon na lamang ang panghihimutok niya dahil kulang na kulang ang panahon at atensiyon ng mga magulang niya sa kaniya. She can be the most glamorous student wearing an expensive clothes and accessories, pero she never be happy for what she had. Simply lang ang nais niya. She don't mind if she wore everything that somebody can't be, mga magulang niya lang ang hinihiling niyang makasama sa araw na iyon. Natapos na lang ang pag-aayos sa kaniya ay wala siyang nahintay. She still hoping na darating ang parents niya para samahan siya sa graduation day niya. She's going to the school campus with her sadness painted all over her face. Awang-awa si Marta sa kaniya pero hindi ito nagpahalata. She can't resist gazing at somebody with their parents. Not just one, halos buong pamilya ng mga kamag-aral niyang kapuwa graduating ay kasama. She feels like her heart bursting for grief. Nasa loob na sila ng campus. Dumadagundong na ang malakas na musika na nagmumula sa main reception. Pero walang balak ang mga paa niya na bumaba ng sasakyan. Nagkasya na lamang siya sa kapanonood sa mga masasayang estudyante na tila sabik nang makasama sa pagmartsa ang mga magulang. "Anak, Mia, okay ka lang ba? Alam kong hindi mo matiis na makita sila habang ikaw ay walang mga magulang na kasama. Pero dapat mong tatagan ang loob mo. Kailangan mo pa ring magmartsa kahit wala sila," ani ni Marta habang sinusundan ng tingin kung ano ang nakikita niya. "Bumaba na muna kayo para maihanap ko ng mapag-parking-ngan itong sasakyan," babag ni Andoy sa pagsisintemyento nila. Wala siyang nagawa kung hindi ay bumaba. Inalalayan siya ni Marta na naunang bumaba. Kung maaari ay hindi na niya itututwid ang tingin para lang hindi niya makita ang mga masasayang pamilya na madadaanan nila. Ganoon na nga katamlay ang puso niya ay bigla pang humarang si Trisha sa daraanan niya. Masayang-masaya ito na bumati sa kaniya. Ngunit naiilang siyang gantihan ito ng masayang bati kung ang pumapainlanlang sa puso niya at lungkot at pangungulila. Kasama pa ni Trisha ang mga magulang nito na mas excited pa sa pagtatapos nito. "Oh, how so sad to see you without your parents. Why? Masyado na naman ba silang busy?" nakangiting saad ni Trisha. Pakiramdam niya ay paulit-ulit siyang sinasampal ng kalungkutan. Hindi na rin mapakali si Marta na panay ang sulyap sa naninilim niyang mukha. "Your parents are so unfair," dagdag ng mommy ni Trisha. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Parang bulkan na nag-aalburuto ang dibdib niya. Mabigat sa damdamin niya kahit alam niyang sa kaniya pumapanig ang simpatiya ni Trisha. Bago pa man manubig ang mga mata niya ay pumukaw sa atensiyon niya ang baritonong tinig na sumambit sa pangalan niya. Napalingon siya at nasilayan ang napakaguwapo niyang best friend suot ang pormal na white long sleeve at black slacks. Biglang tumahip ang dibdib niya sa labis na tuwa nang makita si Renny. Ni hindi na niya napansin ang dismayadong pag-walk-out ni Trisha nang mapako na ang mga titig nila ni Renny. Papalapit ang binata sa kaniya. Naglaho sa harapan niya ang pamilya ni Trisha. Napapangiti naman si Marta nang makita ang mga ngiti niya dahil sa pagdating ni Renny. Si Renny lang nagpapagaan ng loob niya. Ikinatuwa iyon ni Marta. Kaya walang katutul-tutol si Marta na magtagpo sila ni Renny. Hindi na inungkat ni Renny kung bakit wala ang mga magulang niya. Naunawaan naman siya nito. Kaya sa halip ay inaliw siya nito. Pansamantala siyang ipinaalam nito kay Marta para makapag-usap sila. Sumang-ayon naman si Marta. Isang oras pa naman ang hihintayin bago ang pagsisimula ng programa. Niyaya muna siya ni Renny sa school garden kung saan walang gaanong tao. "You looks stunning today. Ikaw na yata ang pinakamagandang babae na nakita ko sa mundo," nakangiting puri ni Renny. Hindi niya mapigilan ang tuwa. Kakaibang haplos ang mga kataga nito sa puso niya. Pareho silang nakaupo sa magkatabing duyan na naroon sa hardin. Madalas nilang tambayan iyon kapag free time sa school. "So, ano na ang disisyon ng mga magulang mo about sa course na kukunin mo?" Pag-iba ni Renny sa usapan. Nanamlay siya sa tanong nito. "They're insisting me to take up a business course. Pero ayaw ko talaga ng business. Kapag ayaw nila akong pagbigyan, mapipilitan akong titigil sa pag-aaral. Lahat na lang kasi ng gusto nila ay dapat sunud-sunuran ako. Nasasakal na talaga ako," malungkot na sagot niya. "Siguro naman dapat ka na nilang pagbigyan ngayon. Marami na silang pagkukulang. Ngayon pa lang dapat kasama mo sila. Pasensiya ka na kung nabanggit ko. Pero huwag kang mawalan ng pag-asa. Ipaunawa mo na lang sa kanila na kailangan mo rin magpasya para sa sarili mo." "Oo. Naisip ko na rin na kausapin sila tungkol sa bagay na iyan. Sa totoo lang, nagtatampo talaga ako sa hindi nila pagpunta ngayon. Ang dami nilang dahilan. Ayaw ko nang makipagtalo sa kanila kaya hinayaan ko na lamang sila na unahin nila ang negosyo nila." Tinanggap na ng sistema niya ang kawalan ng presensiya ng mga magulang niya. Hindi lang maiwasan na manibugho siyang makita ang iba na kasama ang buong pamilya. Naging sapat na sa kaniya ang makita at makausap si Renny. Buong-buo na ang araw niya. Ginugol nila ang mga sandali paea magkausap. Saka lang nila iniwan ang hardin nang marinig ang pagtawag ng atensiyon nila mula sa emcee. Sisimulan na kasi ang programa ng kanilang pagtatapos. Ngunit hindi niya inaasahan na subaybayan sila ni Trisha. Hindi iyon napansin ni Renny. Pero para sa kaniya ay malinaw na nakaabang si Trisha sa galaw nila. Nagtataka na siya at napukaw sa kaisipan niya na marahil ay si Renny ang sinusundan nito. Napapansin na kasi niya ang madalas na pagsulyap ni Trisha kay Renny. Nilampasan lang nila si Trisha ngunit hindi niya inaasahan na tawagin nito si Renny. Sandaling natigilan si Renny at lumingon kay Trisha. "Umm, Ren, my parents want to ask you if you're willing to celebrate with us in our house. Nag-prepare kasi ang parents ko ng engrandeng celebration at home for this event. You know naman, our parents are both in the same field, matagal nang magkakilala at magkaibigan," anyaya ni Trisha kay Renny. Walang plano si Trisha na yayain siya. Naka-focus ito kay Renny. Iminado siyang kinakabahan siya sa magiging sagot ni Renny kay Trisha. Alam niyang si Renny na lang ang tanging nagpapasaya sa kaniya sa araw na iyon ay hihilahin pa ni Trisha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD