ISINAILALIM na naman sa general check-up si Mia. Dumating si Dr. Valdez, ang cardiologist niya, para suriin ang kondisyon niya. May pinasadyang silid kung saan kompleto ang mga kagamitan pangmedikal. Katulad pa rin ng dati, mahina ang kondisyon ng puso niya. Aminado siyang madalas niyang nararamdaman ang pananakit ng kaniyang dibdib. Alerto lamang siya sa pag-inom ng gamot na naayon sa ibinigay ng doktor niya. "How's her condition, Doc?" tanong ni Leehan nang matapos siyang dumaan sa mga pagsusuri. Nanatili siyang nakahiga habang inaalis ng nars na si Lora ang mga nakakabit na aparato sa katawan niya. Katatapos lang ng ECG test sa kaniya. Nasanay na siyang pinag-uusapan sa harapan niya ang resulta ng mga test sa kaniya. Pati na ang madalas na kabiguang magkaroon ng compatible donor ni

