NAGING sarado ang isip ni Renny dahil sa sakit na nararamdaman niya. Sumali siya sa katuwaan ng mga kaibigan ni Rain para lang makalimutan ang pagdaramdan. Birthday party na may kaunting inuman. Kaunting katuwaan na alam niyang makatutulong para maibsan ang lungkot niya. Hindi naman mabisyo ang mga kaibigan ng kapatid niya. Pinagbigyan lang ang may kaarawan. Hindi niya natanggihan ang pag-alok sa kaniya ni Rain ng isang basong naglalaman ng mamahaling alak. "Subukan mo lang. Imported daw ito galing pa ng England. Ngayon lang naman kami nag-trip uminom dahil special birthday ni James. Tapos dumating pa ang daddy niya na doktor sa England," ani ni Rain sa kaniya habang iniaabot sa kaniya ang baso. Tinanggap naman niya. "Hindi ba 'to nakalalasing?" pag-aalangan niya. "May tama rin iya

