PAYAPA, maligaya at panatag. Iyon ang naramdaman ni Mia habang binabagtas ang daan sa kagubatan. Hindi mapunas ang mga ngiti niya habang hinahanap si Renny. Sabik na sabik na siyang makita ang kasintahan. Sinulyapan niya ang purong puting kasuotan niya. Kinapa niya ang dibdib at alam niyang wala ng sakit doon. Nang nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang paglalakad ay narinig niya ang pagsambit sa pangalan niya. Napalingon siya at hinanap kung saan iyon nagmula. "Mia, dito!" Napatingin siya sa bandang kaliwa niya. Hindi niya akalaing makita niya roon si Rain. "K-Kuya Rain? A-Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya. Lumapit ito sa kaniya. Inayos pa nito ang magulo niyang buhok. Naninibago lang siya dahil hindi naman nito dati ginagawa sa kaniya. "Hindi ka dapat nagpunta ri

