MAGMULA nang malaman ni Mia ang pagkaaksidente nina Renny at Rain ay hindi na siya mapakali. Ilang ulit na siyang umiyak dahil nais niyang pumunta ng hospital ngunit mahina pa ang katawan niya. Naroon pa rin ang pangingirot ng operasyon niya sa dibdib. Hindi na umaalis sa tabi niya sina Marta at Lora. Panay rin ang bisita ni Dr. Valdez para tingnan ang kondisyon niya. Lalo siyang nanghihina kapag naiisip na walang sino man ang nagbibigay sa kaniya ng pahintulot para lumabas. Panay ang dungaw niya sa salaming bintana at pinto na malapit lang sa kaniyang kama. Masisilayan niya ang tanawin sa labas dahil nakahawi lamang ang kurtina niyon. Hinintay niyang lumabas si Lora. Tinawag niya si Marta nang dalawa na lang sila ang naiwan sa kuwarto. "Na-Marta, please! Nakikiusap ako sa iyo, tulunga

