"ANO na po ang kalagayan ni Renny at Kuya Rain?" umiiyak pa ring tanong ni Mia sa mag-asawang Dequinio. Humawak sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ni Rena. "Mia, isasailalim sa maselang operasyon si Renny after one hour. Nagkaroon siya ng internal bleeding. Hindi sana siya napuruhan kung walang sasakyan na bumangga sa kaniya. Ang saklap ng sinapit ng mga anak ko, oh Dyos ko," naghihinagpis na wika ng ginang. Napagkagat siya sa ibabang labi at pikit-matang dinamdam ang labis na panlulumo. "They need our prayers," ani ni Rena. "Hija, hindi ba dapat ay nagpapagaling ka pa ngayon?" pag-iba ni Danny, alam ng mga ito ang nangyari sa kaniya. "Nagpumilit po siya na pumunta rito." Si Andoy ang sumagot. "Malilintikan nga po ako sa mga magulang niya kapag nalamang nakalabas siya. Ki

