HULING nakita ni Mia ang sarili na pinagtutulungang asekasuhin ng mga doktor. Papalayo siya nang papalayo sa silid na iyon hanggang sa makarating siya sa gubat na tagpuan nila ni Renny. Tahimik at wala siyang makitang ni sino man doon. Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa makadako siya sa tabi ng ilog na madalas nilang tambayan ni Renny. Niyon lamang siya nakaramdam ng kapayapaan sa puso at isip. Tila ayaw na niyang lisanin ang lugar na iyon. "Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?" biglang tanong na umagaw sa atensiyon niya. Dahan-dahan siyang lumingon. Hindi niya inaasahang makita roon si Celia. "Nanay Celia?" "Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari sa iyo at kay Renny. Pero hindi kita nakakausap katulad sa normal na taong nabubuhay rito sa mundo," namamanghang wika ni Celia.

