NAGING matagumpay ang heart transplant kay Mia at mahigit isang buwan na siyang nagpapagaling. Subalit napakalungkot para sa kaniya ang pananahimik ng mundo niya, wala siyang ano mang balita kung ano na ang nangyari kay Renny. Itinuloy sa bahay nila ang pagpapagaling. Kung kailan bumalik na sa normal ang kondisyon niya ay saka naman naging kulang. Matamlay na humarap siya sa malaking salamin ng vanity table niya. Tinanggal niya ang ilang botones ng blusang pantulog niya at pinagmasdan ang mahabang hiwa sa kaniyang dibdib. Hindi pa lubusang humilom ang sugat niya. Hindi niya mawari ang kakaibang damdamin habang iniisip ang pusong nananahan sa dibdib niya. Nagpapasalamat siya dahil nabigyan siya ng huling pagkakataon para mabuhay. Ngunit nalulungkot lang siya dahil may nawalan ng buhay

