Chapter 52

1550 Words

HUMAHAKBANG pa lang is Mia papasok sa bahay ng pamilyang Dequinio ay tila bumigat na ang mga paa niya. Nauna na si Marta sa loob. Ni wala siyang maramdamang presensiya ni Renny o ni Rain. Nasanay kasi siya na kapag parating siya ay isa sa mga ito ang sumasalubong sa kaniya. Pagdating niya sa maluwang na salas ay nasilayan niya roon ang grupong magkakaharap at nag-uusap. Ngunit hindi niya napansin doon si Rena. Wala rin ang magkapatid na binata. Ang mga naroon lang ay ang mga magulang niya, sina Danny, Lora at Marta. Nag-alangan tuloy siyang lumapit. "Oh, Mia! Hali ka rito," tawag sa kaniya ni Danny. Napalingon ang lahat sa kaniya. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya o hindi. Tumayo na ang mommy niya para lapitan siya. "Hija, hali ka maupo ka muna," anyaya ni Mariel. Tila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD