NASA ekuwelahan si Renny. Nilubos na niya ang maghapong wala siyang pasok kahapon para madalaw si Mia. Masaya siya matapos malamang nasa maayos na kalagayan na ang kasintahan. Tingin niya umubra naman ang pagpapanggap niya. "You looks pleasant today, Renny," pansin kaagad sa kaniya ni Trisha nang makalapit sa kaniya. Naiwan pa kasi siya sa laboratory matapos ang chemistry class nila. Sinamantala naman ni Trisha ang pagkakataon para lapitan siya. "Ren, would you mind if I invite you to go for a lunch?" tanong ni Trisha. Hindi pa niya ito sinulyapan dahil abala siya sa pagliligpit ng mga gamit niya. "Sorry, Trisha. Nagpa-booked na kasi si Mommy sa restaurant para sa family lunch namin," payak na tugon niya. Hindi na niya napansin ang pananabang ng mukha nito habang nakasulyap sa k

