"R-RENNY?" gulat na natuwa si Mia nang masilayan si Renny sa kaniyang harapan. Ibinaba nito ang mask sa mukha at pansamantalang tinanggal ang salamin na suot. Sabik na inunahan niya ito ng mga yakap. Hindi siya makapaniwala na magkikita sila sa ganoong lugar. "Miss na miss na kasi kita, Mia," anito sabay tugon ng yakap sa kaniya. Subsob ang mukha niya sa malapad na dibdib nito. Damang-dama niya ang init ng mga yapos nito sa kaniya. Tila ayaw na niyang matapos ang mga sandaling magkasama sila. "P-Paano ka nakapasok dito? Hindi ka ba nakilala ng mga tao rito sa bahay?" Magkadikit pa rin sila. "Nakiusap lang ako sa naka na du-duty ngayon kahit sandali lang. Nasa labas lang siya naghihintay kaya hindi ako puwedeng magtagal. Pinakiusapan ko na pagbigyan muna niya akong makapasok at maki

