13- Epilogue 2

3211 Words
/// I. DON'T. f*****g. CARE. This man, named Jimin seems like flirting with my secretary but who cares? Definitely not me. "You know what, my first bias is Park Jimin." She said while there's a big smile on her face. What did she just say? Her bias is Jimi— oh, the K-pop. Narinig ko kanina pa na pinag-uusapan yon sa kotse noong papunta palang kami rito sa Funtabelle. That k-pop group named BTS, I guess? "Oh, what made you like Jimin?" What? Napataas ang kilay ko. Parang ang pangit lang sa pandinig ng tanong ng pinsan netong si Jimin. "Jimin is not just handsome. Sobrang ganda talaga ng boses nya. Ang cute cute tapos kapag nakikita ko sya feeling ko sobrang fluffy nya!" Ni hindi nya man lang ako nililingon. What's wrong with her? Ako itong nasa harapan nya. "Kaso, sandali lang yon. Mga 2 months gustong-gusto ko si Jimin, tas nakita ko na ang love of my life— sa katauhan ni Jung Hoseok also known as J-Hope. How about you? Sinong bias mo sa EXO?" "Ako? Si D. O. Mula una. He's also an actor. Minsan lang ako manood ng K-drama na impluwensya rin ng kapatid ko, napapanood ko sya." They're really both into k-pop, huh? Kaya ba hindi nya ako pinapansin dahil ni wala akong alam kahit ano sa mga yon? After eating, I received a text. Mula sa isa sa mga tauhan ko. Kung ang mga kaaway ay may spy, ako rin naman, marami nga actually. Si Jazlyn daw ang target ngayon nila Enriquez. Balak daw nilang gamitin ang secretary ko laban saakin. Kaagad ko iyong sinabi kay Jaz sa pamamagitan ng text at sinabihan ko rin syang gawin ang plano namin mamaya kapag nasa harap na namin ang syang sumusubaybay saamin. Pumayag sya kaagad at ako naman ay wala na namang magawa kaya naisipan kong isearch sa YouTube ang pinag-uusapan nila kanina. Search: EXO Results: EXO- The Eve official MV EXO forever EXO funny moments EXO moments that it hurts to watch At kung anu-ano pang mv, reactions, moments, dance practice ang nakita at pinanood ko ang iba. Sinunod ko naman ay ang sinasabi ni Jaz na BTS. Results: Dynamite official MV BTS triggering Jimin because of his height BTS on MAMA2015 BTS on Grammy's Award Nanood din ako ron ng binanggit nyang Jimin. I agree. This man has an angelic voice. Actually maganda naman ang boses nilang lahat pero dito sa Jimin ay napakasoft. Then that J-Hope? He's cheerful and really talented. Hindi na ako magtataka kung bakit kahit yung Jimin na yon e gusto ang K-pop. They're not just pretty men. They're also talented people. Actually, I'm into 80's, 90's and One Direction songs but I won't mind adding K-pop songs on my playlist. When night comes, I found Jazlyn with a motherfucker. Balak pa syang gawan ng masama at nakita ko naman ang lalaking kanina pang nakasunod ang tingin saamin. Sya siguro ang sumusubaybay saamin. I smirked. The show began. "Boss naman! Why are you always like this? So unpredictable. Alam ko naman. Tanggap ko nang secretary mo ako at hanggang doon lang ang relationship na meron tayong dalawa kaya pwede ba, Boss? Tigilan mo ang pagiging over protective." Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nagsalita. Hindi ito ang usapan namin na sasabihin nya. "I may sound like a b***h but stop this. One second napakasungit mo, tapos maya-maya bigla kana lang magiging daig pa ang jowa na galit na galit. Nag-aalala ka sa secretary mo, okay. Tanggap ko rin. Mali yung ginawa ng lalaki at naiinis ako, seryoso. I'm so thankful for saving me, ayoko rin sa lahat e nababastos. But acting like a jealous boyfriend?" Ganto ba ang naiisip nya? Bakit parang feeling ko, totoo na? Am I really? I mean— acting like a jealous boyfriend? "What the hell are you talking about?" "Gusto mo pa rin akong manatili sa tabi mo para gantihan ako dahil lang sa may sinabi akong madalas din sabihin ng ex mo noon?" Lalo akong natigilan. "Sige, kung bitter ka pa, kahit mahirap, pipilitin kong intindihin. Kaso, hindi mo ba napapansin kung paano ka kumilos? H-hindi ganyan kumilos ang isang Boss sakanyang sekretarya." "I'm not." Matigas kong sabi. "Hindi kita ganoon—" "So, you're not aware? Let me tell you this then." Umatras sya kahit susuray-siray. "Boss, stop giving false signals. It's not funny anymore. Kung ito ang paraan mo para parusahan ako, please mag-isip ka nang iba kasi mukha kang shunga." I don't deserve you. I'm a broken man. I can't love you or anyone. "So you misunderstood my actions, huh? Let me clear you everything. The only relationship we have is Boss and secretary." Sa halip ay sabi ko. "Mali na ba ngayon ang ipagtanggol ang secretary mula sa kung sinumang lalaki na bumabastos dito? You think you're that special, huh? Well, kung nalagay man sa ganon ang secretary ko, kahit hindi pa ikaw yon, ganon pa rin ang gagawin ko." "And Ms. Secretary, I don't have any special feelings for you. I'm inlove. It was Vien and will always be Vien. Sa tingin mo bababa ako para lang magustuhan ang katulad mo? Ipagpapalit ko ang nga taon dahil lang sa ilang linggo? It's too funny." Tumawa ako nang mahina. More on, laughing at myself. "Enough." "No, kailangan mong makinig para naman hindi ka nag-iisip ng iba." "Alam ko na naman yan. Noong una palang nang tawagin moko sa ibang pangalan." Aniya at nagflashback bigla sa utak ko nang malasing ako. I saw her but I keep on telling myself that it's Vien. "It hurts knowing that the one you love can't love you back but you know what hurts the most? It's competing with someone you know you can't win. You'll never win. At iyon ang iniiwasan kong laban." Nang umalis sya ay kaagad akong umalis na rin at dumiretso sa tinutuluyan ko. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko. Nagulat pa ako nang maramdamang may tumulong luha sa mga mata ko. I cried. I f*****g cried again. It's just an act. It's supposed to be an act pero nasasaktan ang puso ko para sakanya. I'm doomed. "Thank you, Vien..." "Sa tingin mo, kapag nawala ako— kung sakali man na mawala ako or magkahiwalay tayo at hindi na ulit magkita, magkakagusto ka sa iba? Or... Gaano ka katagal mag-move on?" "Anong klaseng tanong yan?" Naiiratang sambit ko. "Hindi tayo magkakahiwalay okay? At hinding-hindi ako magkakagusto sa iba." Vien.... I did. I think I just did. And I'm not sorry. I'm inlove with Jaz. /// Nagpasama ako sa isa sa mga tauhan ng resort na pinagbilinan din ni Mr. Jimin Fuentebella na sundin anumang utos ko. Pumunta kaming grocery store at namili ng para sa pamilya nya. Kung tama ako ng tanda, halos dalawang buwan na rin ang nakakalipas na hindi sya umuuwi. Inaya ko sya at hindi ko sinabi na sa kanila kami pupunta para na rin surpresahin sya at ganon na nga ang nangyari. Hindi ko na rin naman nakita pa ulit ang lalaking sumusubaybay saamin. "Sandali lang, hijo. Parang aambon, sisilong ko lang ang sinampay ko." Paalam ng mama ni Jaz na nalaman kong may breast cancer pala. Nagpaalam din ang ama nya na isisilong naman ang mga gamit na nasa labas. Nagluluto si Jaz samantalang ang mga kapatid nya ay busy sa pagkalkal ng groceries. Tumayo ako at naglakad-lakad, linagmamasdan ang mga nakadisplay na picture nila hanggang sa makarating akong kusina at marinig ang boses nya. "Ano pa ate? Ano pang ugali nya?" Tanong ng kapatid nya. Tumayo ako sa harap ng pinto at bahagyang sumandal roon. "Hm, mabait din sya. Napatingin saakin ang kapatid nya at tinanguan ko lang ito. Sya naman ay nanlaki ang mata. "Madalas na ang ugali nya e pang-mental. Alam mo yon? Parang yung mga bagay na gusto nya e hindi pangkaraniwan. Pumasok ka ng ganto kaaga, umuwi ka ng ganto ka-late, mag-heels ka nang mataas at habulin moko kapag nauuna akong maglakad kasi dapat sabay tayo. Itatapon ko ang tasa ng kape kapag hindi ko nagustuhan ang timpla mo. Tatambakan kita ng trabaho at magtataka ako kung bakit hindi ka pa tapos—" "Ate—" "Hindi lang yon." Hindi sya nagpapigil sa kapatid nya. "Kapag mag-iinom ako, sunduin moko pero wag kang umasang magpapasalamat ako. Papayag akong ikaw ang maging CEO basta wag kalang magreresign dahil diko kayang walang pagbalingan ng ka-bitter-an ko." Shit, hindi ba ako nagpasalamat non? Bakit hindi ko maalala? "Ate Jaz—" Magsasalita na sana ako pero napigilan akonng muli nyang pagsasalita. "Pero kahit na ganon, sya ang tipo na... kahit hindi ka pa akma sa trabaho, wala man sayo ang requirements na hinahanap ng kumpanya, okay lang. Na-late ka? Hindi ako magagalit kasi alam kong may iba kang pinagdadaanan." At higit sa lahat, ayokong malaman mong alam ko ang dahilan ng pagkapuyat mo. "Kahit pinahirapan moko sa pagiging secretary e hindi ko isusumbat yon dahil usapan naman natin. Ibibigay ko sa'yo ang tamang sweldo. Hindi kita ngingitian o pakikitaan na okay ka sakin pero magagalit ako kapag nasugatan ka." Ang dami nya naman palang napapansin saakin. "Hindi ako prinsipe na nakasakay sa puting kabayo pero kung nasa panganib ka, well kahit masama naman ang ugali ko e hanggat kaya ko, tutulungan kita. Susungitan kita araw-araw. Tipong kapag hindi na ako nagsungit sayo minsan e magtataka kana. Hindi kita papayagan na umuwi sainyo kasi sasamahan pa kita, with matching groceries—" "Ate, y-yung boss mo." "Anong nangyari kay Boss—" humarap sya saakin at nagtama ang mga mata namin. Bakas sa mukha nya ang hiya."Boss!" I didn't know that someone will see me that way. Everyone knows how rude, disrespectful and bad person I am because that's how they see me. But her... she can see my bad side yet she also knows my other side that even me isn't aware. And yes... She's my talkative secretary who always wants to make my blood boils. She's too noisy to the point that I just want to put a masking tape on her mouth. But she speaks the truth. She's honest and real. In all, she's doing everything for the people she cares and love. And I hope... I'll be one of them. Is it too much to ask? Napauwi rin kami dahil nga sa sinabi ng isa kong tauhan na nasunog ang ilang bahagi ng HR department at nakita na nila ang may sala. Inihatid ko si Jaz sa apartment na pag-aari ng kumpanya at kahit madaling araw ay pumunta ako sa kumpanya. Naapula naman daw kaagad ang apoy at nakita ko ang lalaking gumawa non. Si Mang Ben, yung security guard. Itinali sya ng mga tauhan ko sa upuan. Nandon sila sa rooftop ng building at napaamin ko si Mang Ben na si Enriquez nga ang may gawa non. Inutusan daw sya para sunugin ang building pero hindi nya raw kayang ganon ang gawin lalo na't may tiwala si Jazlyn na siyang una at kaisa-isang taong nagpakita ng kabutihan sakanya sa kumpanya. Napangiti ako ng tago dahil doon. I don't know, I just smiled. Nakita daw ni Mang Ben na may ilang tao malapit sa HR Department kaya iyon ang bahaging sinunog nya. Mapapahamak rin naman sya kay Enriquez kung di sya susunod. Nagpahuli na rin sya saamin para marealize daw ni Enriquez na hindi na sya pwedeng maging spy kasi nabuking na sya. Marahil hindi nya kilala si Enriquez. Kapag naisip non na wala na syang gamot dito, baka ipapatay pa sya sa huli. Napagdesisyunan kong patakasin sya at binilinang wag sabihin kay Enriquez na nalaman ko nang spy sya nito. Sinabi ko rin sakanya na mag-empake dahil poprotektahan at tutulungan ko sya pati ang kanyang pamilya. Wala akong tulog magdamag sa pag-iisip pa ng dapat gawin. Masyado akong nakampante. Hindi pa rin talaga sumusuko si Enriquez ayon kay Mang Ben— naiisip pa rin nitong gamitin si Jaz saakin. Tinext ko sya kinaumagahan na wag pumasok sa opisina dahil aalis ako para sa out of town business kahit ang totoo ay ayoko lang muna syang umalis sa apartment, malakas ang security ron at siguradong ligtas sya. Kaysa kapag nandito sya sa tabi ko. I badly wanna see her at namiss ko kaagad ang mala-shotgun nyang bibig kahit kaninang madaling araw lang ay magkasama pa kami. Umaga palang ay hindi ko inaasahan ang bwisitang darating. Pabalik palang ako sa office ko matapos bilinan ang iba kong tauhan na bantayan si Jaz. Sinalubong ako ni Enriquez na kaagad ipinagtangis ng bagang ko. Damn you, old man! Because of you, I won't be able to see my secretary today! Ilang beses nya akong pinagbantaan at sinabihan ng kung anu-ano pero wala akong pakelam until masama na sa usapan si Jaz. Mukhang mula una palang ay nakasubaybay na sya. Pinilit kong itanggi ang mga yon pero nag-isip ako kung paano hindi magtunog defensive. Pwede ko rin naman syang hindi na sagutin pero mas magiging mapanganib yon kay Jaz and I can't let anything bad happen to her. "You care for your secretary, Mr. Lacuezo." Oh, can I just shoot him now? "Sino namang nagsabi sayo nyan? Yung tauhan mong si Benito Ramos na magmamatyag na nga lang e obvious na obvious pa?" Ngayon e alam nya nang alam ko pero wala na naman sila Mang Ben at pamilya nya kaya ayos lang. "Alam mo na pala." "Dahil di naman ako kasing tanga nyo." Umismid ako kahit ang gustong gusto kong gawin ay pasabugin na ang bungo nya ngayundin. "But that can't change the fact that you like your secretary." Ganon ba talaga ako ka-obvious? Mukhang siguro na sya sa sinasabi nya. f**k. Bakit ako kelan ko lang narealize pero sya e parang matagal na? "Ah, isa ka rin pala sa mga naniniwala sa kalokohan na yan." Hinding-hindi ko aaminin sa'yo yan. Hindi kita bibigyan ng dahilan para saktan at idamay sya. Tumawa sya, my jaw clenched. "Stop acting like—" "I'm not. Why do I need to? It's the truth at kung di ka man maniwala ay mamatay kana kakaisip." Iritado nang sabi ko. "Well, remember this, old man. In my whole life, I'm inlove with only one woman. The name? Vivien. Vivien Purzuelo. Not Jazlyn Bautista. But if you're still going to slap to my face that I like my secretary, then you can be on my shoes right now. Sino ang maiinlove o magkakagusto sa babaeng wala namang tinapos at tatanga-tanga? Tell me, kung ikaw ang nasa lagay ko, hindi mo ba gugustuhing maglaro muna lalo na at meron kang mukhang walang utak na sekretaryang pwede mong paglaruan?" Lie. I know the truth. I already know what I feel. I like Jaz. Scratch it— I love her. I can say no but I can't fool myself. Inis na inis ako sa oras na to. Dahil sakanya ay kailangan kong sabihin ang masasamang salita na yon kay Jaz kahit wala pa sya dito. Nakita kong natigilan na sya. Mukhang gumagana na ang sinasabi ko. "I like... playing with other people's feelings. You know me. Sayo na rin mismo nanggaling kanina, inlove na inlove ako kay Vivien. Tingin mo pagpapalit ko sya sa isang probinsyanang tulad ng sekretarya ko kung pwede ko naman syang paglaruan lang?" Parang gusto kong pagsisihan ang lahat namg makita si Jaz. Namutla ako at parang nakakita ng multo. "G-Good morning sir!" Hey! Don't greet this fucker! "Good morning, Boss. Ah, hehehe kakarating k-ko lang. S-sige po, dito nako." Nilampasan nya kami para pumunta sa office nya. But hey, didn't she saw my message? Kaya ba sya nandito? Damn it. Ngumisi ang matanda saakin saka tumingin sa nakatalikod na si Jaz. Parang sinasabing ngayon ko sabihin sa harap nya ang sinasabi ko. I won't give you any satisfaction, oldy. "Kahit anong kalokohan pa ang sabihin mo, wala kang mapapatunayan dahil wala naman talaga." I'm sorry, Jaz. But this is the only way. For now. "I can't fall to her. See?" I tried to sound sarcastic. "Para di naman gaanong mabasag ang ego mo, aaminin ko, noong una ay nakita ko sya bilang si Vivien. Pareho sila ng karamihan ng paniniwala pero narealize ko kaagad na sobrang layo nila kaya naman napagpasyahan ko nalang na paglaruan sya tutal bored naman ako." Jaz, sana marealize mo kung bakit ko to sinabi. Kung sakaling may gusto ka man saakin o wala, I know this'll hurt you. "I must admit, she's someone fun to play. Nagmumukha palang syang tanga sa harap ko e naeentertain na ako. Paano pa kaya sa mga panahong mukhang paniwang-paniwala sya sa lahat ng pinapakita ko?" Pag-alis ni Enriquez ay pumasok ako sa opisina ko. Napahilot ako sa sentido ko at ilang beses nagmura habang nag-iisip pa. Paano ba ako makakapag-isip ng tama e ni wala pa akong tulog at kain. Maya-maya ay naisipan kong lumabas at kausapin si Jaz pero nakita ko syang sumakay na sa elevator. Hindi ko yon naabutan. May dala syang plastic at tulala, mukhang aalis na sya. Ginamit ko ang employee's elevator at sa baba ko na sya naabutan. Binalak kong magpaliwanag kaya naman hinabol ko sya but she got hit by a car. Kaaagad akong tumakbo at tumawag sa ambulansya habang hawak ang kamay nya. Gulong-g**o ang isip ko kahit nang makarating na kami sa hospital. Grabe ang pag-aalala ko at wala sa sarili akong nagpalakad-lakad sa hallway habang gunagamot sya ng mga doktor. Umabot na ng gabi at kinailangan nya na ring operahan. Dumating si Bernard at kahit ayoko, niyaya nya ako sa cafeteria ng hospital. Iniwan nya ang lalaki nyang tauhan para syang magbalita saamin kapag lumabas na ang mga doktor. Pero wala akong balak magtagal. Ayoko nang mag-isip at gumawa ng iba. Gusto ko lang talagang bantayan si Jaz. Ako ang dahilan. Enriquez triggered me to say those things. I said those to protect her per bandang huli ay ako ang dahilan bakit nasa alanganin sya ngayon. Hindi ko alam pero alam ni Bernard na hindi pa ako kumakain dahil sinabi nyang pinapabayaan ko ang sarili ko. Pero wag daw akong kumain nang marami dahil hindi pa raw ako nag-aagahan. Kahit ayoko e wala akong nagawa kasi mukhang seryoso syang susubuan nya ako kung hindi ako kakain. Seriously, this guy! Pero napatigil ang pagsubo ko ng pagkain nang maramdaman ko ang pahagyang pagyanig. Iisipin ko na sanang lumindol, kaso ay nakarinig din ako nang malakas na sound. Dali-dali akong tumakbo palabas sa kainan na yon at napaluhod ako sa kalsada nang makita ang napakalaking apoy mula sa ikatlong gusali ng hospital. "May sumabog na bomba." "Diyos ko! Bakit naman?" "Mula sa third floor ata yung bomba e kasi kanina pa ako nakatingin don tapos biglang yon na." Umikot ang paligid ko at tila nawalan ng kulay ang lahat. Bakit sa tuwing magmamahal nalang ako ay kailangang palaging magkaganto? Am I cursed or what? I'm so unlucky, why am I even named Lucky in the first place? Narinig ko ang sunod sunod na pagmumura ni Bernard nang tumabi sakin. Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa syang nagsalita. "Damn, Jazlyn is on 3rd floor's operating room!" Kitang-kita ko ngayon ang pinakatinutupok ng apoy. Yeah, and seems like it's operating room where that bomb exploded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD