CHAPTER 5

841 Words
Nang makatalikod na sila hindi na napigilan ni Robe ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan hindi ito tumigil sa pag patak. Inalalayan siya ni Daniel at pina upo at binigyan ito ng panyo! kino comfort siya nito dahil naaawa ito sa kaniya kaya dinamayan niya nalang muna ito dahil ayaw na munang pumasok ni Robe sa klase dahil ayaw niya munang makita ang salawahan niyang Nobyo. Dahil sa 10am pa naman ang klase ni Daniel hindi niya na lang muna iniwan si Robe napaaga lng naman siya sa school dahil sinundo niya ang kasintahan para ihatid sa trabaho. Hinayasn niya itong maglabas ng kaniyang mga hinanakit at sama ng loob sa Nobyo niya. "Bakit ba kasi hindi mo nalang sinabi sa Babaeng yun kanina na yung sinasabi niyang Boyfriend ay Boyfriend mo rin bakit ka pa nagsisinungaling?" tanong ni Daniel sa kanya. "Para ano? kaawaan niya ako? pagsinabi ko ba yun may magbabago ba? mababago ba nun ang fact na niloko ako ni Charlie?" balik tanong ni Robe sa kanya. Hindi na kumibo pa si Daniel para hindi na madagdagan pa ang pighati ng Kaibigan! tinuturing na rin niyang Kaibigan si Robe dahil Besffriend naman ito ng kanyang Nobya. Hindi na napigilan ni Robe na humagulgul at napasobsob ng iyak sa dibdib ni Daniel! Hinayaan lang siya nitong mailabas ang lahat ng sama ng loob, at nang mahimasmasan na ito ay niyaya niya itong kumain sa canteen. Nagpasalamat naman si Robe sa pagdamay sa kaniya! Pagkatapos ng klase ay inabangan ni Daniel si Robe sa lobby para kumustahin ito bago niya puntahan at sunduin ang kanyang Girlfriend. "Ayos na ako daniel makaka move on din ako! salamat nga pala sa concern mo e kumusta mo nalang ako kay Cherry" wika ni robe. "Mabuti naman at walang anuman yun kung kailangan mo ng kausap at karamay dito lang kami ni Cherry anytime tawag ka lang" sagot ni Daniel. "Mauna na ako sayo susunduin ko pa si Cherry" paalam nito sa kaniya. Hindi mapigilang mainggit ni Robe sa Kaibigan bukod sa may gwapo at mayaman na ang Boyfriend napaka loyal at sweet at mahal na mahal siya nito. Nalaman ni Cherry ang nangyari sa Kaibigan dahil sinabi ito sa kaniya ni Daniel at nagpasalamat siya sa Boyfriend niya sa pagdamay sa kaibigan nito! Hindi niya mapigilan ang mag- alala dito. kung kaya agad niya itong tinawagan at kinumusta, iyak ito ng iyak sa kabilang linya naawa naman siya dito gustuhin man niyang puntahan at damayan ang Kaibigan ngunit hindi pwede dahil kailangan niyang pumunta ng Hospital dahil nagtaka siya sa sinabi ng kanyang ina na na tapos ng ma operahan ang kanyang kuya. "Saan kaya sila kumuha ng pera pang pa opera?" tanong niya sa sarili. Nang tanungin niya ang Boyfriend niya tungkol dito ay hindi naman nito itinanggi na siya ang nagbayad! wala na siyang magawa kundi magpasalamat sa kabutihan ng Nobyo ngunit sinabi niyang utang ito at babayaran niya ito kada sahod hanggang sa maibalik niya dito ng buo ang pera dahil hindi biro ang halaga nito. Pagkatapos nilang pumunta ng hospital ay hinatid na ni Daniel pauwi si Cherry. At habang pauwi na si Daniel ay may nadaanan siyang resto bar at nakita niya ang isang familiar na Babae parang laseng na laseng tumutungga ng alak, nilapitan niya ito, at kinuha ang bote ng alak. "Sinong pakialamero ang...." natigilan siya ng makita ang Lalaki. "Daniel, ikaw pala anong ginagawa mo dito?" tanong ni robe. "Pauwi na sana ako ng mapadaan ako dito at nakita kita, lasing kana Robe ihahatid na lang kita pauwi sa tinutuluyan mo" saad nito. "Hiindi pa ako lasing halika samahan mo akong uminom, gusto kung ilabas lahat ng sama ng loob ko kay Charlie" "Malalim na ang gabi Robe halika na ihahatid na kita baka mabastos ka pa dito ang daming mga lalaking nakatingin sayo!" wika ni Daniel. Inakay niya ito dahil pasuray suray na itong lumakad dahil sa kalasingan. "Pangit ba ako Daniel?" tanong ni Robe sa kanya. "Maganda ka Robe, gago lang yung Boyfriend mo at hindi marunong makontento" sagot ni Daniel sa kanya. Napangiti si Robe sa sinabi ni Daniel at bigla niya itong hinalikan sa pisngi, nagulat si Daniel sa ginawa ni robe at sinabing "Lasing kana Robe iuuwi na kita" Sinakay niya ito sa sasakyan at inihatid sa condo nito. Nang makarating na sila sa condo ay bigla siyang hinila ni Robe papasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD