Nagpaalam na sina Cherry at Daniel kina Robe at mag ikot ikot sa buong plaza at nagpicture picture silang dalawa sa mga magagandang christmas lights at mga christmas decor.
Pagkatapos ay kumain sila sa isang fast food chain, pagsapit ng alas nwebe ng gabi ay nagyaya ng umuwi si Cherry dahil kailangan niyang magpahinga ng maaga dahil unang pasok niya sa trabaho bukas.
Sumang ayon naman ang Nobyo at nag take out ito ng jollibee para sa bunsong kapatid ng nobya! hindi na tumanggi si Cherry dahil alam niyang magtatampo na naman ang Nobyo pag hindi ito napagbigyan pagkatapos ay inihatid siya pauwi hanggang sa may kanto.
Nang makauwi na sa bahay si Cherry ay agad sumalubong sa kanya ang Bunsong Kapatid at sabay yakap sa kanya.
Binigay niya agad dito ang pasalubong at tuwang tuwa na nagpasalamat pagkatapos ay dumeretso na siya sa banyo para mag half bath pagkatapos ay nagbihis siya ng pangtulog.
Nang makahiga na siya sa kanyang higaan ay tinext niya si Daniel at nagpasalamat sabay goodnight dito.
Sa kabilang banda lingid sa kaalaman ni Cherry ay tumawag pala si Daniel sa hospital at kinausap ang Doctor ng kanyang kapatid.
Sinabi niyang siya na ang sasagot ng lahat ng gastos sa operasyon ni Macmac at ilipat ito sa private room.
"Kinabukasan din ay naka schedule na ang operasyon ng Kuya niya, at Agad na nag transfer sa online banking si Daniel ng full payment para sa gastosin sa operasyon ni Macmac.
Malaki ang pasasalamat naman ng mga Magulang ni Cherry sa mga Doctor at Nurse na nag-aasikaso sa kanila!
Malaki rin ang pasasalamat ng mga Magulang ni cherry kay Daniel pero hindi nila inaakala na mayaman pala ang Nobyo ng kanilang Anak.
"Gabi na at tiyak na tulog na si Cherry dahil maaga pa ang pasok niya sa trabaho bukas at unang araw pa naman niya sa trabaho!"
"Bukas ko nalang siya kakausapin at magpapasalamat dahil sa ginawa ng kanyang Nobyo." sabi ng tatay ni cherry!
"Mabuti pa ay magpahinga na rin tayo" sagot ng nanay niya.
Kinabukasan ay maagang maaga si Cherry excited siya para sa una niyang trabaho!
Pagdating niya sa kanto ay nabigla siya dahil nakaabang na doon ang sasakyan ng Nobyo niya. Napaka sweet talagang Boyfriend ni Daniel.
"Good Morning Babe" bungad ni Daniel sa kanya, sabay halik sa pisngi!
bigla siyang napangiti.
"Babe anong ginagawa mo dito? ang aga mo naman" kunwari nagtatakang tanong niya dito.
"Sinusundo ka! ihahatid kita sa trabho pagkatapos deretso na ako sa school" sagot ni Daniel.
"Wow, ang sweet naman ng Mahal ko baka masanay ako nito" biro niya.
"Okay lang naman na masanay ka basta sa akin lang huwag lang sa iba" ganti niyang biro sa Nobya.
Hinampas siya ni Cherry sa braso
"Siraulo ka talaga"
"halika na pasok na sa loob" sabay bukas ng pinto ng kotse.
Pagkatapos ihatid ni Daniel ang Nobya sa trabaho ay pumunta na siya sa school at nakasabay niya si Robe papasok ng gate sa school.
"Hi! Daniel good morning" bati ni Robe dito
"Good morning Robe" ganting bati niya dito.
"Ang aga mo yata ngayon?" tanong ni Robe.
"Sinundo ko kasi si Cherry at hinatid sa trabaho"
sagot ni Daniel.
"Ganun ba? Napaka sweet naman ng Boyfriend ng kaibigan ko!"sabi ni Robe sabay tapik sa mga bisig ni Daniel.
ngumiti lang ito sa kanya!
Magkasabay silang naglakad papasok ng paaralan
nang makita nilang may kaakbay na ibang Babae ang Boyfriend ni Robe na si Charlie!
Sobrang sweet nila tingnan
"Teka! diba Boyfriend mo yun?"
Bigla silang natigilan sa paglalakad at nakatitigan.
Tnawag ni Daniel si Charlie para makuha ang atensiyon nilang dalawa ng kasama niya.
Lumingon si Charlie at ang babaeng kasama niya at parang gulat na gulat ito nang makita si Robe.
"Luv, sino sila mga friends mo?" tanong ng babae.
"Luv? ibig sabihin magkasintahan kayo? " tanong ni robe sa babaeng kasama ni Charlie.
hindi naman makaimik si Charlie tahimik lang ito.
"Yes, why? is there any problem? "wikang tanong ng babae.
"No, nothing's wrong! we are Charlie's Friend nice to meet you! and you are?" sagot ni Robe.
"Nice to meet you too! im tricia!"