Isang buwan na ang nakalipas Simula nang may nangyari kay Daniel at Robe ay hindi na sila nagkikita at nagkakausap pa.
Dahil laging umiiwas si Daniel sa school kapag kapag nakita niyang paparating si Robe.
Gusto niyang kalimutan ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa, mas nakabubuting iwasan niya ang kaibigan ng kanyang nobya at baka malaman pa nito ang nangyari.
Alam ni Daniel na may gusto sa kanya dati pa si Robe nung hindi pa niya nobya si Cherry.
Lagi itong nagpapa pansin sa kanya sa school at laging nagpapakita ito ng motibo.
Kahit alam niyang nililigawan na niya ang Bestfriend nito.
Dahil si Cherry ang gusto niya ay hindi niya ito pinatulan, at nang sagutin siya ni Cherry ay saka lang tumigil si Robe sa pakikipag flirt sa kanya.
Masaya na sana ang relasyon ng dalawa ngunit bigla itong gumulo nang pumasok na naman ulit sa eksina si Robe.
Hindi niya akalaing magbubunga pala ang isang gabing pagkakamali na nagawa nila.
Gusto niya sanang ipaalam kay Daniel ngunit hindi niya alam kung pa'no dahil lage siyang iniiwasan nito.
Dahil no choice na siya, napagdesisyonan ni Robe na si Cherry na lang ang kakausapin niya tungkol dito.
Tinawagan niya ang kaibigan at nakipagkita siya dito para sabihin ang nangyari sa kanila ng nobyo nito.
"Hello best kumusta ka na? " tanong ni Cherry sa kaibigan nang tawagan siya nito.
"Pasensiya kana at naging busy ako lately hindi na kita nadamayan sa mga problema mo" paghingi nito ng paumanhin sa Kaibigan.
"Best free ka ba mamayang gabi? pwede ba tayong magkita? may gusto lang kasi akong sabihin", wika nito sa kabilang linya.
"Bakit best may problema ka ba?" tanong nito na may pag alala seryoso kasi ang himig ng kaibigan.
"Saka ko nalang sasabihin sayo mamaya best"maikling sagot nito.
"Oh, cge best kita tayo mamayang 8pm pagkatapos ng trabaho ko"
"Cge dun nalang tayo magkita sa paborito nating tambayan!" at naputol na ito sa kabilang linya.
Pagkatapos ng trabaho ay agad na pumunta si Cherry sa tagpuan nilang magkaibigan, tinext na lang niya ang nobyo na dun nalang siya sunduin dahil magkikita sila ni Robe.
Biglang kinabahan ang kaniyang Nobyo kung ano ang dahilan at biglaan itong nakipagkita kay Cherry.
Hindi akalain ni Daniel na sasabihin ni Robe kay Cherry ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa, at nagbunga pala ang isang gabing pagkakamali nila.
Nabigla si Cherry sa mga rebelasyon ng kaibigan, hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari!
"hIndi ito totoo, sabihin mo sa akin na joke lang tong lahat" sabi ni cherry sa kaibigan!
"Sorry best pero totoo lahat ito", umiiyak na humingi ng tawad si Robe sa kaibigan.
Biglang dumating si Daniel at nagtaka tinanong kung anong nangyayari dahil nakita niyang umiiyak ang dalawang babae.
"What's happening here?" tanong niya sa dalawang Babae.
"Totoo ba? totoo bang may nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Cherry sa nobyo.
"Babe, let me explain" sabi ni daniel.
"Explain mong mukha mo" sabay sampal sa mukha ng Nobyo.
"Robe anu to? akala ko ba pinag usapan na natin to it was just a mistake, huwag mo kaming sirain" singhal niyang sabi kay Robe.
"Buntis ako Daniel at ikaw ang ama!" sigaw ni robe.
"Tina try kung sabihin sayo pero iniiwasan mo ako lagi" sagot niya dito.
"what?" hindi makapaniwala sa narinig si Daniel.
"Sigurado ka ba? pero isang beses lang nangyari yun and it was just a mistake lasing tayo nun", nalilitong sabi niya.
"So totoo nga? magsama kayong dalawa isang cheater at isang traydor!"
Tumayo si Cherry at kinuha ang bag niya sabay walk out ng biglang hinawakan ni Daniel ang kamay niya para pigilan umalis gusto niyang magpaliwanag dito.
"Babe, Let's talk" pakiusap niya sa nobya.
Binawi ni Cherry ang kamay niya at tiningnan ang kaibigan at sinabing!
"simula sa araw na ito kakalimutan kung naging magkaibigan tayo" at biglang sinampal ulit ng malakas ang nobyo.
Sinabi niyang break na sila at magsama silang dalawa sabay lakad papalayo palabas ng lugar na iyon!
Nang makatalikod na si Cherry dun na tumulo ang mga luha niya na matagal na niyang pinipigilan.