Dahil sa mga nangyari ay nagkahiwalay ang dalawa! Napilitan si Daniel na makipagsama kay Robe kahit hindi niya ito mahal dahil sa bata.
Malamig ang pakikitungo ni Daniel sa kaniya, kahit nakatira sila sa iisang bubong ay hindi sila nagsasama sa iisang kwarto.
Ang Mama ni Daniel ang may gusto na magsama sila! nang malaman kasi ng Mama ni Daniel ang nangyari ay agad itong gumawa ng paraan dahil nga ayaw nito kay Cherry. Matagal na niyang gusto na magkahiwalay ang dalawa.
Magkasundong magkasundo ang Mama ni Daniel at si Robe, ito lagi ang gumagawa ng paraan para hindi puntahan ni Daniel si Cherry baka magkabalikan pa ang dalawa.
Maraming beses na humingi ng tawad si Daniel kay Cherry gusto niyang makipag balikan dito, pwede naman niyang panagutan ang bata kahit hindi sila magsama ni Robe susuportahan lang sana niya ang bata.
Mahal pa rin naman ni Cherry si Daniel hanggang ngayon at naniniwala siyang nagsisisi ito sa kanyang nagawa,
kilala niya si Daniel alam niyang hindi ito ganung klasing lalaki. Ngunit ayaw niyang maging makasarili at ipagkait sa Bata ang magkaroon ng isang buong Pamilya.
ILang buwan pa ang nakalipas at aksidenteng nagkita ang dalawa ng isama si Cherry ng kanyang boss sa isang bussiness meeting,
Hindi niya akalaing ang companya pala nila ni Daniel ang ka transaction ng boss niya.
Pagkatapos ng meeting ay inabangan siya ni Daniel sa labas para makausap.
"Che mag-usap naman tayo kahit saglit" sabi ni Daniel.
"Wala na tayong dapat pang pag usapan Daniel matagal na tayong tapos" wika ni Cherry!
"tantanan mo na ako mag focus ka nalang kay Robe at sa magiging Anak niyo" saad pa niya.
"Hindi ko mahal si Robe alam mo naman na ikaw lang yung mahal ko patawarin muna ako Che, i want us to be back together please" pagmamakaawa niya dito.
"Hindi na nga pwede ang gusto mo Daniel, paano si Robe? paano ang Anak niyo? hindi kaya ng konsensya ko na magpakasaya habang may inosenting sanggol na inagawan ko ng ama" paliwanag niya dito.
"Matagal na kitang pinatawad Daniel!
at patawarin mo na rin ang sarili mo at tanggapin na hindi na tayo pwede sa isat- isa".
"ito na sana ang huli nating pagkikita mag move on nalang tayo"
pagkatapos ay umalis na si Cherry.
Para tantanan na siya ni Daniel ay nag resign siya sa trabaho at nag desisyon siyang umalis ng bansa para doon magtrabaho at para makapag simulang muli.
Nasaktan ng labis si Daniel ng malaman niyang aalis si Chery, halos gabi gabi ay pumupunta ito sa mga bar para mag-iinom,
madaling araw na ito umuuwi at lasing na lasing.
kung sinu sinong Babae nalang ang dinadala niya sa hotel,
isang beses na pag uwi niya ay nasaktan niya si Robe dahil sa kalasingan, sinisisi niya ito sa paghihiwalay nilang dalawa.
Matiyaga pa rin naman siyang inasikaso ni robe kahit malaki na ang tiyan nito hindi niya iniinda ang sakit.
"Kasalanan ko rin naman" wika ni Robe sa sarili, sana' ay matututunan mo rin akong mahalin Daniel.
Palaging ganun ang naging sitwasyon ng dalawa
hanggang sa biglang isinugod sa hospital si Robe dahil dinudugo ito! bigla kasi itong nadapa at nawalan ng malay dahil siguro sa puyat at kulang sa tulog.
Pinipilit din siyang gamitin kahit malaki na ang tiyan niya para siyang pinaparusahan ni Daniel at tinanggap niya lahat dahil sa pagmamahal niya dito.
Doon napagtanto ni Daniel ang pagkakamali niya sa kaniyang mag-ina nang muntik na itong makunan at nangakong babaguhin ang sarili.