Hindi naging madali ang buhay ni Cherry sa france, pero kailangan niyang magpakatatag, para sa mga pangarap niya at para ma supportahan ang pamilya niya sa pilipinas at mga pangangailangan ng mga ito.
Mahirap talagang magtrabaho sa ibang bansa!lahat ng hirap mararanasan mo, yung ma hohomesick ka pero malayo ka sa pamilya mo.
Yung walang mag aalaga sayo tuwing magkaka sakit ka kundi sarili mo lang at kailangan mo pa rin magtrabaho kahit may sakit ka".
Yung bigla nalang tutulo ang luha mo, yung wala kang pwedeng sandalan kundi ang sarili mo, wala kang masabihan sa lahat ng dinaramdam mo! at titiisin mo nalang.
Kailangan mong yakapin ang kalungkutan mag-isa para sa katuparan ng mga pangarap mo.
Ang hirap hirap ng sitwasyon nung kailangan naka ngiti ka lagi sa harap ng ibang tao at kapag kausap mo ang yung pamilya!
Ngunit sa likod nito at pag nag iisa kana ay umiiyak ka nalang bigla.
Kailangan mong magpakatatag araw araw!
Lalo na nung malaman niyang ikakasal na sina Daniel at Robe.
Double double ang trabaho na ginagawa niya para makalimotan ang sakit at kalungkutan yung pagod na pagod na ang katawan mo sa trabaho pag uwi mo para wala ka nang maramdaman kundi ang pagod nalang at matulog.
Lumipas ang mga buwan at palaging ganun ang naging routine niya sa france.
At nang makaipon na siya ay nag enroll siya sa isang university sa france para ipag patuloy ang kursong hindi natapos at ipag patuloy ang naudlot na pangarap.
Kalaunan ay nakapagtapos siya sa kurso niya at naging magna c*m laude. Naging matagumpay at maayos ang takbo ng buhay niya sa france. Unti unti na rin niyang nakalimutan ang pait ng kaniyang nakaraan.
Nagkaroon siya ng ibat ibang magagandang opportunidad doon at naging maganda at maayos ang buhay niya sa ibang bansa pati na rin ang pamilya niya sa pilipinas.
Nakabili na sila ng sariling lupa sa pilipinas at naipag patayo na niya ng malaking bahay ang kanyang pamilya, at naging masagana na ang pamumuhay nila.
Binigyan din niya ng sariling negosyo ang kuya niya para malibang ito at may pagkaka abalahan! hindi na kasi ito pwedeng magtrabaho simula nung matalos itong operahan ay bawal itong magtrabaho at mapagod ng husto.
Unti unti na niyang nakalimutan ang kaniyang mga mapapait na pinadadaanan sa pilipinas niyakap ang panibagong buhay sa ibang bansa, at na adopt na rin niya ang kultura dito.
Marami ding nanliligaw sa kanya! she's dating someone ngayon, ngunit hindi pa rin niya ito sinasagot!
dahil hindi pa siya handang mag mahal muli.
Nandoon pa rin ang takot niyang masaktan at maulit ang nangyari noon.
Ngunit hindi niya inaasahang susundan pa rin siya ng multo ng kaniyang nakaraan.
Sinong mag aakala na makikita niya pala sa france ang mga taong nooy minahal at pinagkalatiwalaan niya! Ngunit ito rin ang taong nanakit at sumira ng tiwala niya.
Pagkatapos kasi ng kasal ng dalawa ay wala na siyang balita tungkol dito!
Simula kasi ng malaman niyang nanganak na si Robe ay
blinock na niya ito sa lahat ng mga social media accounts niya at tuluyang inilibing sa limot ang dalawa.