Pagkatapos makasal nina Daniel at Robe ay unti unting nagbabago na ang pakikitungo niya dito, tinanggap na niya si Robe at inaalagaan lalo na nung nanganak ito.
Naging maganda at masaya ang pagsasama ng dalawa kasama ng kanilang anak.
Kalaunan ay nabuntis muli si Robe at nanganak sa pangalawang anak nila ni Daniel"
Mas lalong naging maingay ang kanilang bahay dahil sa dalawang makukulit na bata.
Maganda at masaya na ang kanilang pagsasamA at naging maganda rin ang takbo ng lahat ng kanilang mga negosyo! siguroy ay nakalimutan na rin ni Daniel si Cherry."
Maraming taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang masakit na tagpong iyon at di na sila nagtagpong muli.
Ngunit gustong subukin ng panahon ang dating magkasintahan at magkaibigan.
Pumunta ng france si Daniel para sa isang bussiness meeting, hindi naman na sumama si Robe sa kaniya dahil walang ibang mag aalaga sa mga bata at may pasok ito sa eskwela.
"AT THE AIRPORT"
Mag-iingat ka doon sa france isang buwan ka pa namang mag e stay doon, mag isa ka lang dun walang mag aalaga sayo at huwag kang pasaway"
sabi ni Robe na naka pulopot sa asawa nang ihatid si Daniel sa airport.
Tumawa si Daniel at sinabing!
"Ano ka ba Hon ,isang buwan lang naman akong mawawala babalik din naman ako at saka good boy kaya tong asawa mo "sabay kurot sa pisngi ng asawa para ngumiti ito.
"hmm! marami kasing magagandang Babae at saka mga mestisang nandod oon baka marami na namang aaligid aligid sayo buti sana kung nandon ako para walang ibang makalapit sayo" sabi niya na may himig parang nagseselos, at napangiti naman ang asawa sa tinuran nito.
Aminado si Robe na simula ng kinasal at nagka anak sila ni Daniel ay nagbago ito at natutuhan siya nitong mahalin ramdam niya naman iyon at hindi na ito tumingin pa sa ibang babae,
ngunit hindi niya pa din maiiwasan minsan ang mag selos dahil ang mga babae na mismo ang lumalapit dito at nagpapa pansin sa kaniya.
Kahit hindi ito pinapansin at pinapatulan ng asawa minsan ay nangamba pa rin siya na matukso ito, lalaki ito at may pangangailangan at baka madala sa tukso kaya nga lagi niya itong pinupuntahan sa office siya lage ang taga hatid ng pananghalian ng asawa para lage niyang makikita kung sinu sino ang mga babaeng umaakit dito sa opisina" at kung lumalabas mn ito minsan kasama ang mga kasosyo niya sa negosyo ay kasama siya nito!
in short bantay sarado niya ang asawa niya.
"Huwag kana magselos hindi ko naman papatulan yung mga yan, di bale pag uwi ko galing bussiness trip ay mag babakasyon tayo kahit san mo gusto"
pukaw niya sa malalim na iniisip ng asawa.
"Promise mo yan ha" sagot ng asawa.
" Oo, pangako mag hohoneymon tayong dalawa" sagot ni Daniel sabay tawa at napangiti na rin si Robe.
Lumipad na ang eroplanong sinasakyan ni Daniel papuntang france at pauwi na sana si Robe sa bahay ng bigla siyang nabangga ng kasalubong nitong lalaki at bumagsak ang mga gamit na hawak nito.
Tumilapon ang hawak nitong cellpone hindi kasi ito nakatingin sa daan may kausap kasi ito sa telepono." at natumba si Robe dahil medyo malakas ang pagkakabangga nito may kalakihan din ang katawan ng lalaki.
"Sorry miss nasaktan ka ba?" tanong ng lalaki sa kaniya! at tinulungan siyang makatayo.
"Okey lang ako at inayos niya ang damit sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo! nang hindi ka maka abala ng ibang tao"
taray niyang sabi sa lalaki sabay tingin sa
mukha nito ng...
"Robe?" sabi ng lalaki.
"Yes? Did we meet before?" taas kilay niyang tanong dito.
"It's me Charlie" sagot nito.
Si charlie lang naman ang ex boyfriend niyang babaero nung college ito ang dahilan kung bakit siya napunta siya kay Daniel at nasira ang pagkakaibigan nila ni Cherry.
Ngunit sa kabilang banda ay ipinagpapasalamat din niya dahil kung hindi sila nagkakahiwalay nuon ni Charlie ay hindi niya siguro magiging Asawa ngayon si Daniel.
"Robe ikaw nga? long time no see kumusta ka na? "excited na tanong ni charlie sa kaniya.
"Okey lang naman" kinakabahang sagot niya dito.
"Sige mauna na ako sayo"
nagma Madaling umalis at umiwas si Robe kay Charlie.
Ngunit mabilis siyang hinawakan nito para pigilang umalis, simula kasi ng makita niya itong may kasamang ibang babae ay hindi na sila nagkakausap pang muli.
"Sandali lang Robe pwede ba tayong mag usap kahit sandali lang?" saad ni Charlie.
"Sa susunod nalang nagmamadali kasi ako" sagot niya.
"Bakit ka ba nagmamadali at parang umiiwas matagal na kitang hinanap at gustong makausap" sabi niya dito.
"Anu ba ang pag uusapan natin? at saka kailangan ko ng umuwi naghihintay na sakin ang mga anak ko" sagot ni robe.
"Anak? may asawa ka na?" Tanong ni Charlie.
"Oo, may asawa at anak na ako at wala ka nang pakialam doon!" sabay talikod at naglalakad palabas ng airport ngunit sinusundan pa din siya ni Charlie hindi siya tinitigilan nito.
"Anu ba ang kailangan mo sakin bakit ka ba sunod ng sunod pwede ba tigilan mo na ako"
inis na sambit niya sa lalaking bumubuntot sa kaniya.
"Gusto lang naman kitang makausap tungkol sa nangyari sa aTin dati, hindi mo man lang ako hinayaang magpaiiwanag!" sabi ni Charlie.
"Matagal na yun Charlie kinalimutan ko na yun at saka masaya na ako sa pamilya ko ngayon, matagal na tayong tapos wala na tayong dapat pang pag usapan"
"Hindi talaga kita titigilan hanggat hindi mo ako pagbibigyan"
nakangising sabi ni Charlie na parang nang-aasar.
Bumuntong hininga na lang si Robe at walang nagawa kundi pagbigyan ang makulit na si charlie.
Pumasok sila sa isang coffee shop at pinag usapan ang mga nakaraan para magkaroon sila ng closure.