ELY "Ang galing mo talaga ate Ely! Bagay sa'yo maging model po," saad ni Vincente nang umupo kami ni Sean sa tabi niya. Kakatapos lang ng ensayo kasi at nagpahinga na kami. Nagsimula kami kahapon pagkatapos sabihin na kami ang magrerepresenta. Hindi pa sana ako papayag pero naisip ko na oo nga 'no? Why not try to enjoy my life here habang nandito pa ako? Wala namang mawawala sa akin. Madagdagan pa ang experience ko. Hindi na ako umangal at nag-inarte dahil kahit papaaano ay gusto ko rin maglibang. Besides, masaya naman 'tong experience at kahit noon pa ay gusto ko na 'tong subukan. We only have three days before November 1, which is next week. For sure after that, may byahe na ang mga bangka. Plano sana namin magpractice kahapon buong araw, kaso umulan kaya mga sampong minuto lang k

