I smiled at them. "Hindi, kasi hindi na ako aalis. Dito na ako. Dito na ako mamumuhay." "EHHHHH??" Halos sabay pa silang lahat nagtanong. Napatingin ako kay nay Felicia at tatay. "Ahm, kung okay lang naman po sa inyo. Hayaan niyo po! Pagta-trabahoan ko po lahat para hindi ako magiging pabigat." Nagkatinginan silang lahat. "Seryoso ka ba diyan, ija? Mahirap ang buhay dito, baka hindi ka sanay. Paano ang pamilya mo? Panigurado hinahanap kana doon." Bahagya akong yumuko at ngumiti nang mapakla. "Wala naman po kasi akong pamilya." At tuluyan nang tumulo luha ko. Kailan lang ba ako nagkaroon ng pamilya? Ever since hindi ko naman naramdaman na may pamilya ako. Yes, I have a house but I can't call it home. And knowing that no one was looking for me, just a proof that I am irrelev

