"S-Sean?" Nauutal kong tanong. Siya nga. Ngumiti ito sa akin kaya napangiti na lang din ako. "Maraming salamat sa pagtulong sa akin," pilit kong sinabi kahit na sobrang hiyang-hiya ako. Inabot niya ang mga kamay niya sa akin kaya inabot ko rin at nakipag-shake hands ako sa kaniya. "Walang problema. Masaya akong makilala ka, Ely." I felt like my cheeks burned because of his hand on mine. He released the hold kaya tinago ko kaagad sa likuran ko ang kamay ko. "Mabuti naman nagkita na kayo. Siya nga pala, alas singko pa lang ng umaga gising kana ija? Wala na ba masakit sa katawan mo? Dapat hindi ka panay tayo, nako babalik 'yang sakit ng sugat sa ulo mo." "Huwag ka na po mag-alala inay, nilagyan ko na ng herbal 'yan. Naghihilom naman 'e, baka mamaya wala na 'yan." Napayuko ako dah

