Magtatanghali na nang magising ako. Hindi ko kasi namalayan na kaninang madaling araw ay nakatulog ako dahil sa iyak. Mugtong-mugto rin mga mata ko at parang nahihiya akong harapin sila lalo na si Sean dahil sa ginawa ko kaninang madaling araw. Saka kay Aling Felicia, hindi ko siya pinansin kanina. Hay. Gusto kong kausapin si Aling Felicia at Sean para humingi ng tawad sa kanila. Pero hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Wala akong problema sa akin. Mas lalong, wala akong duda sa kanila. Alam kong mabubuti silang tao kasi kung hindi ay sana hindi na ako gumaling at nagising pa. Also, if you really feel bad for someone, you will feel it naman, right? I looked around the room and saw a familiar picture on the wall right above the cabinet. It was Sean. Tumayo ako sa kama ko at

