"SO, IT WAS TRUE?! f**k! TELL ME!" Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Napasigaw ako nang biglang niya hinigit kamay ko. "Aw!" "Answer me!" Napapikit ako dahil sa pagsigaw niya. Sobrang lakas. Sobrang namumula na rin ang mukha nito sa galit. Mukhang konti na nga lang at ito ay sasabog na. Kaagad naman tumayo si Adrian at pinigilan si Maximmo. "Bro, she's a woman— f**k!" Maximmo punched him so hard that he fell unto the floor. Hindi pa siya nakuntento at hinigit niya ang damit ni Adrian at pinagsusuntok ito. I grabbed his shirt to stop him, habang patuloy na umiiyak. "Maximmo, please. Stop!" Ngunit tila parang wala ako dito dahil hindi man lang nila ako narinig at mas pinili na mag-away. Napaatras ako dahil sa tinulak ni Adrian si Maximmo at pinagsusuntok rin 'to. "Gago ka!" He sh

