66 Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko sa aking mga mata. Napahagolhol ng iyak. Hindi lang sakit ang nararamdaman ko kundi pati na rin kahihiyan. Nahihiya ako kasi nakita niya kaming dalawa ni Maximmo na naghahalikan. Tama nga talaga ang kutob ko. Nakita niya. Kaya na lang siguro umalis ito at hindi nagpaalam sa akin kasi ramdam na niya na hindi siya ang pipiliin ko. Ang tanga kong hanapin pa siya, at mag-e-expect na he will stay because he loves me. I know wala akong karapatan para mahiya kasi in the first place kasalanan ko naman. Naging careless ako, hindi ako nag-ingat at nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko. Nahihiya ako para sa sarili ko kasi sa ‘yon lang ay bumigay na ako kaagad. Para bang sinampal ko lang siya na hindi siya ang mahal ko kundi si Maximmo lamang. Napakagaga

