Kinaumagahan ay nagising akong wala si Sean sa loob ng bahay. Wala rin siya sa kwarto niya kaya napag-isip ko na baka nag-iigib lang siya ulit ng tubig kasi Maximmo ang nagluluto ngayon. Katulad ng hapon, ganito rin naman ang gawa nila. Napatingin si Maximmo sa akin at binati niya ako nang may magandang ngiti sa kaniyang labi. "Good morning," tugon nito. "Good morning." Pumunta ako sa CR at naghilamos na. Ang laki na pala ng eyebags ko, shet. Mukha akong multo. Nang natapos ko na banlawan ang mukha ko ay nahagilap ng mga mata ko ang dalawang balde. Nandito rin naman ang balde sa loob at walang kulang, so ibig sabibin— hindi nag-igib si Sean. Asaan na kaya 'yon? Lumabas ako ng banyo at nakita ko na nakaupo na si Maximmo. He is waiting patiently at me. Gulong-gulo ang mga buhok nito a

