"Make him fall in love with you." Napakurap ako sa narinig ko. "F-fall? Fall in love with me?" Ulit ko at tinuro ko pa talaga sarili ko. He nodded his head. "Yep." "How? But why? Pwede naman ilahad mo ang lahat ng 'to, you have me. We have each other. Sapat na 'yang statement natin dalawa lalo ka na na isa ka sa mga sikat ngayon, that's why you put yourself in that situation right? Para mapapaniwalaan ka, at kasama mo na ako ngayon, tayong dalawa na ang witness." Ito naman gusto namin, lalo na ako. Ang malaman ng lahat ang totoong ugali nila. Especially Maximmo? Knowing about his mom's affair to the other man, mas lalong magwawala 'yon at masasaktan. Then, his mom will be ruined as well. Gano'n lang naman kadali. Basta masira lang sila sa publiko, ayos na ako. Nakaganti na ako

