The game has began. "Ano pong lulutoin, 'e mayroon din naman po siyang chief, 'di po ba?" Kaagad na banggit ko. Hindi pwedeng ako magluto 'no! Ano siya siniswerte? Saka hindi naman ako marunong magluto ng lugaw. Baka literal na lugaw na tubig ang mapainom ko sa kaniya. "Hay, nako. Naka on leave anak." "Eh, si Elizabeth?" Saka tinignan ko si Elizabeth at tumaas din kilay niya. Aba gagang 'to. Charot. Parang narinig naman ang usapan namin. "Hindi 'yan marunong magluto." "'Yong isa pang anak-anakan mo! Sino nga 'yon? Siya na lang din po." Ano ba kasi sobrang dami nila dito tapos hindi ko pa kilala, saka hindi rin magluluto?! Eh nag-maid pa sila. "Hindi rin 'yan marunong." Pucha! "Eh mas lalong hindi rin po akong marunong. Hintayin na lang po kita," saka ibinigay ko kay Elizabeth a

