He already announced it on media. Hindi ko na alam kung ano nangyari kagabi dahil nawala na ako sa sarili ko. Napag-alaman ko na lang kina Sorscha at Vina na pagkatapos ko raw natumba ay bumangon pa ako ulit at kumuha ng alak saka nagsasayaw. Para akong tanga sa pinakita nilang video sa akin. Tangina lang, nahihiya ako sa pinanggagaw ko habang sila ay sobrang natutuwa talaga. Ang mga pinaggagawa ko lang naman ay 'yong umakyat sa sink, sumayaw at may pa wagayway pa ng bote ng alak. Tapos may pa kanta kanta pa ako at nawawala na ako sa tono. Mayroon pa ngang nadadapa ako, at hanggang ngayon ay mahapdi pa rin ang pasa sa kamay na natamo ko. Tapos mayroon din video kagabi kung saan lahat kami ay lasing na at ang ginawa namin ay magsayaw at maghubad! Literal na hubad talaga! Sobrang saya kagab

