Dumating ako sa venue place namin, or should I say convo ni Sorscha. Tumaas nga kilay ko dahil ngayon ko lang napag-alaman na may condo na pala siya. Tinukso namin siya sa gc at ichichika niya raw kapag okay na ang lahat. Focus daw sila sa akin ngayon, but I refused it. Gusto ko rin marinig ang mga nangyayari sa kanila ngayon dahil pakiramdam ko ay puro ako na lamang. Napaka-self-centered ko naman na kaibigan kapag gano'n. Kaya pinilit ko sila hanggang sa sinabi nila na mamaya kapag nagkita na kami ay sasabihin niya. Excited na nga ako dahil sa wakas, nagkaroon kami ng oras na ganito. Tinignan ko ang malaking building na condo dito sa BGC, kasing laki lang din sa condo ko doon sa proper. I opened my messenger once again to read the directions. Hindi naman ako shu-shunga sa location kay

