PARANG natuka ng ahas si Timothy pagkakita sa babaeng nakatayo sa may pintuan na tinawag ni Lola Charito para lumapit sa kanila. She was indeed an eye candy and he couldn’t help but get mesmerized by her aura.
“At anong ginagawa mo rito?” inis na salubong ng babae nang makalapit sa kanila.
Nagtatakang nilingon niya ang matanda to ensure that the lady was really talking in Tagalog and to confirm that she was really talking to him. Her piercing blue eyes was raging that if it could kill him, he was already dead by now!
“Do you know my granddaughter Mara, Tim?” tanong ni Lola Charito na pinagsalit-salit ang tingin sa kanila ng apo nito.
“Mara...” he whispered then looked at Lola Charito again. “I don’t know her, Lola Cha,” umiiling na sagot niya. He was thinking when and where he could have possibly met her, saka bumaling sa dalagang noon ay tila umuusok ang ilong sa galit. “I’m sorry, but… have we met somewhere before?”
“Huwag mo akong ma-Ingles-Ingles!” Mahina ngunit halata ang pagkainis na saad nito. “Kinakausap ka ng Tagalog, eh, bastos ka talaga!” napupuyos sa pagkaasar na dugtong nito.
“Huminahon ka, Mara,” awat ni Lola Charito. Maging ito ay ‘di malaman kung bakit galit na galit ang apo sa kanya.
“Pasensya na po, ‘La,” paumanhin ng dalaga pagbaling sa matanda saka humugot ng malalim na hininga at humakbang palapit sa abuela. “Magpahinga na muna po kayo,” anito saka ito inalalayan na sumandal nang maayos sa kama.
Nagtataka pa rin siya sa reaksyon ng babae kanina. He found her interesting and amusing at the same time kaya nga hindi niya napigilan ang sariling titigan at pagmasdan ito.
Napasinghap siya at nanlaki ang mata niya nang dumukwang ang dalaga para i-adjust ang kamang kinahihigaan ni Lola Charito. Kunot-noo siyang napatayo mula sa pagkakaupo sa kabilang kama saka ito sinipat para mas kilalanin. Nabigla ito nang halos ilang dangkal na lang ang layo nila nang mapabaling sa kanya.
“We’ve met earlier, right? I mean, ikaw ‘yong babae sa ibaba kanina?” It was more of a confirmation than a question.
Mas lalo itong sumimangot saka umatras. Bumuntong-hininga ito at pigil ang sariling magtaray. Siguro ay blesssing in disguise na rin ang pagdating ng mga nagra-rounds na doktor sa ward dahil naagaw ng mga ito ang atensyon ng dalaga.
“I’ll just take this call. Excuse me,” paalam niya rito para sagutin ang tawag ni Von. Umismid lang ito sa kanya.
Iiling-iling siyang lumabas ng kuwarto. Nakasalubong niya ang binatilyong ipinakilala sa kanila kanina ni Lola Charito. Ngumiti lang ito sa kanya saka tuluyang pumasok sa kuwarto.
“I’ll be there after mga thirty minutes. Ano, lalabas ba tayo?” salubong sa kanya ni Von.
Ito ang naghatid sa kanya kanina sa ospital. Nasa daan sila papunta sa mall para sana manood ng sine nang tumawag si Greg, ang kababata at kabanda niya, at ibinalita ang nangyari kay Lola Charito.
It had been two weeks since he came back to the Philippines at una niyang hinanap ang paboritong senior sa Bahay-Kalinga nang sumama siya sa gig doon last week. Kahit hindi talaga ito nakatira roon, madalas naman itong dumalaw roon, dalawang beses kada buwan o minsan nga ay mahigit pa. Nakapalagayang-loob niya ang matanda dahil na rin sa cool personality nito at pagiging sweet.
“All right. Call me when you’re down,” sagot niya sa kaibigan saka ibinaba ang telepono.
It was almost four in the afternoon nang sipatin niya ang wristwatch niya. Bahagya siyang sumilip sa loob ng kuwarto. Focussed at halos hindi kumukurap si Amarantha habang nakikinig sa ipinapaliwanag ng mga doktor. Magkaminsan ay tatango ito bago babaling sa abuela nito na minsan ay nagtatanong siguro sa mga doktor.
Mula sa kinatatayuan ay napagmasdan niyang mabuti ang dalaga. Pupusta siya na marami na ring nagkakamaling kausapin ito ng English dahil sa hitsura nito. Mistula kasi itong pure foreigner at tila walang bakas ng dugong Pilipino kung pagbabasehan ang mukha nito.
Matagal na siyang naninirahan sa UK at mostly ay ibang lahi ang nakakasalamuha niya. Amarantha, on the other hand, was far different from those foreigners he knew. Sa pananamit, sa kilos at salita nito, she was a pure Filipina by heart!
Hindi niya maalis-alis ang tingin sa dalaga, kahit pa nga sinasabi ng isip niya na paniguradong kukulo na naman ang dugo nito kapag nahuli siya nitong nakatingin, but who cares? Gusto niya ang nakikita niya.
Medyo napamaang siya with that thought. This was actually the first time he got attracted with an opposite s*x magmula nang maghiwalay sila ni Nina, and it was surprising because he had never been attracted to a blue-eyed girl before dahil mas gusto pa rin niya ang dalagang Pilipina.
Mabilis siyang umiwas ng tingin nang mag-angat ng mukha ang dalaga at tumingin sa direksyon niya. Para siyang teenager na nahuling nakatitig sa crush niya!
‘What’s wrong with you, Tim!’ batikos niya sa sarili saka lakas-loob na muling tumingin sa loob ng kuwarto, only to be disappointed dahil muling napunta ang atensyon ng dalaga sa mga doktor na kausap.
***
“b****y hell!” pagkagising ay reklamo ni Timothy. He got this excruciating headache dahil sa pag-inom kagabi.
Niyaya siya ni Von sa isang bar pagkaliwaliw nila sa mall saka siya ipinakilala sa mga kaibigan nito pagpunta nila sa isang bar. None of them got his interest kaya itinutok niya ang atensyon sa pag-inom. The whole time, he kept thinking of none other than that blue-eyed girl probinsyana. Iba talaga ang dating nito sa kanya. Iyon nga lang, pangit ang impression nito sa kanya dahil sa nangyari kahapon sa ospital. Had he seen her face right then and there, he would have definitely thought twice of leaving her in the hallway.
Habang lumalalim ang gabi, idagdag rin ang mga free drinks na ibinigay sa kanya ng isang grupo ng mga babae kagabi, hindi niya namalayang naparami pala siya ng inom.
Natatawa siyang pinagmasdan ni Von bago humigop ng kape. Tila mas lalong nagising ang diwa niya sa aroma ng kape na nanunuot sa kasuluk-sulukan ng bahay ni Von.
“Dammit! I need a hangover soup!” bulalas niya saka sinabunutan ang sarili at umupo sa harap ng kaibigan.
Tumayo ito saka kinuha ang brew pot ng coffeemaker at nagsalin sa tasa na ipinatong nito sa harap niya.
“So, who’s Mara?” amused nitong tanong.
Napakunot-noo siya saka malalim na nag-isip. Hindi naman niya nabanggit sa kaibigan ang tungkol sa encounter niya sa dalaga kahapon, ah.
Pigil ang ngiting iniabot nito sa kanya ang isang tableta bago muling nagsalita. “Never mind. Inumin mo ito if ever ‘di pa rin matanggal ‘yang hangover mo.”
“Thanks. So, do you have any plans today?” he asked.
Nagkibit-balikat ito bago sumagot. “How about paying your mom a visit?”
“I don’t have plans of doing so. Anything else in your mind?” mabilis niyang tugon saka masuka-sukang napaubo nang matikman ang walang asukal at matapang na kape. “What the! This made my hangover worse!” reklamo niya na ikinabunghalit nito ng halakhak.
“How are you now?” seryosong tanong ni Von na matamang nakatitig sa kanya.
Sumandal siya sa upuan saka itinaas ang dalawang kamay sa ulo at tumingin nang diretso kay Von. “What do you think?” he asked while grinning.
Von heaved a sigh then shook his head. “Who among those girls was Mara that you kept calling in your sleep?”
Hindi niya alam kung bakit may kudlit ng kilig ang naramdaman niya pagkarinig pa lang sa pangalan ng dalaga. He must be out of his mind, but he began to think that his bitterness may end sooner than he think.
“I met her at the hospital,” aniya saka muling tumikim ng mapait na kape. “Pards, don’t make coffee again, for God’s sake!” Lalo tuloy gustong bumaligtad ng sikmura niya.
He got up while still holding the cup of coffee and poured the liquid in the sink.
“How about Nina? Do you think makakalimutan mo na siya once and for all?” tanong nito saka tumitig nang matiim sa kanya na tila ba inaarok ang katotohanan sa isasagot niya.
“Yes, of course. Why not?” His answer was direct and firm, or at least, seemed to be. “Ang daming babae na puwede kong ipalit sa kanya, pards. I’ve learned my lesson and I will never repeat the same mistake. She’s my past, hanggang doon na lang iyon,” he continued.
Tumahimik ito at mas pinakatitigan siya saka humalukipkip.
“Parang kelan lang iyak ka nang iyak sa telepono!” pangbubuska nito saka malakas na humalakhak.
Malakas niya itong binato ng saging na nasa countertop. Mabilis naman itong napatayo at nakailag bago patakbong nagtungo sa sala habang tawa pa rin nang tawa.
Well, yes, he was madly in love with Nina that he almost proposed to her. Honestly, hindi pa rin siya sigurado kung handa na niyang kalimutan ang babae. And definitely, he was unsure when his broken heart would finally be mended...
***
GOD moves in mysterious ways. Timothy experienced being so madly, deeply, and crazy in love. Iyon nga lang, naunsyami! Given that he got a broken heart, full force pa rin naman ang pagiging hopeless romantic niya lalo na pagdating sa kanyang bestfriend na si Von.
Isinama siya nito sa isang coffee shop sa university belt para katagpuin ang nililigawan nitong si Khel.
“Ready?” tanong niya kay Von saka sila dumiretso sa mesa ng mga ito.
Von was a bit uneasy dahil ‘di naman kasi ito sanay sa mga ka-romantikan. That was his thing. After giving him a heart-to-heart talk ay dumistansya na siya rito para maka-diskarte ito.
Makaraan ang halos kalahating oras ay bumalik na sa loob ng university ang magkakaibigan. He looked at Von and shook his head. Love drives people in the verge of craziness and there’s the man who could prove it. Para itong tanga na nakangiti sa kawalan.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa magbabarkadang noon ay palabas na ng coffeeshop.
Napatigagal siya nang mapako ang atensyon niya sa glass door ng café.
‘I’ll be damned!’ napangiting usal ng isip niya. Ngayon, dalawa na silang parang timang na nakangiti sa sarili! Tila namamalik-mata niyang sinundan ng tingin ang babaeng kakapasok lang ng coffee shop, akay ang kasama nito.
“Hey!” untag ni Von pagkalapit sa kanya saka sinundan ang direksyon na tinitingnan niya. “Who is she? Kilala mo?”
“Mara,” pakli niya without taking his eyes off her.
She was wearing a plain white long-sleeved blouse that was buttoned until her neck and a floor-length black floral skirt similar to what she wore at the hospital.
“And you’re insulting my taste dahil boyish si Khel, huh?” sarkastikong saad ni Von matapos tapunan ng tingin si Amarantha saka pumalatak. “Okay ka rin, ‘no?”
He ignored what his dear friend said then got up.
“Let me buy you a drink, pards. Wait here,” walang gatol na sambit niya saka nagtungo sa counter.
***
MAHIGIT dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang mailabas ni Amarantha sa ospital si Lola Charito. Paglipas ng isang linggong pamamalagi sa bahay ay nagyaya itong maglakad-lakad sa park na paborito nitong puntahan bago ito atakihin.
Buhat noon ay iyon na ang palaging ginagawa nila tuwing hapon bilang parte na rin ng ehersisyo ng matanda. Kakauwi lang din ni Rene sa Cavite noong nakaraang araw dahil kaya na rin naman niyang alagaan ang Lola Charito niya nang mag-isa. Alam din naman kasi niyang kakailanganin ang binatilyo ng magulang nito lalo’t hindi pa tapos ang anihan.
Mabuti at tahimik sa subdivision kung saan naroon ang bahay ng kanyang abuela kaya maayos silang nakakatulog.
Pauwi na sila ni Lola Charito mula sa paglalakad nang pinigilan siya ng matanda na parahin ang jeep na parating.
“Maglakad na lang tayo pauwi, hija. Gusto ko pang maglakad-lakad, eh,” anito habang naka-abre-siete sa kanya.
“Sigurado po kayo? Eh, baka naman mapagod po kayo, lola,” may pagdududang tanong niya.
“Ayos lang ako, apo. Nakaigi nga yata sa akin itong paglalakad. I feel refreshed,” nakangiting anas nito.
Hindi na lang siya kumibo pa at maliksing inantabayanan na lang ang abuela. Napalingon siya rito nang muling magsalita kalaunan.
“Hija, gusto ko, bago ako mamatay ay may magmana ng kagandahan ko,” anito bago bahagyang tumawa.
Kunot-noo siyang napabaling dito at bahagyang napatigil sa paglalakad.
“Lola, ano na naman po ba iyang iniisip n’yo? ‘Wag nga po kayong magsalita ng ganyan,” saway niya rito.
Mahina itong pumalatak bago tinapik ang kamay niya.
“Ang ibig kong sabihin, dapat makahanap ka na ng boyfriend. Aba, time is ticking and yet, wala ka pa ring nobyo,” paglilinaw nito bago pinunasan ang pawis sa noo.
Napailing na lang siya saka ito inagapayan sa paglakad. Iyon at iyon palagi ang sinasabi nito, walang kasawa-sawa.
“Hindi naman po ako nagmamadali, Lola. Isa pa, mas kailangan ko kayong alagaan kaysa makipagmabutihan kung kanino,” katwiran niya.
Umiling ito, pagkuwa’y bahagyang tumigil sa paglalakad, ipinikit ang mata at nag-inhale bago bumaling sa kanya.
“Why do I have this feeling that you’re going to meet that person today?” tudyo nito saka muling tinapik ang kamay niya. “If someone approaches us, I’ll do the talking,” anito na ikinailing niya.
Sa loob ng halos isang buwan na kasama niya ang abuela ay napagtanto niya ang kaibahan nito sa mga naiwang lola sa probinsya. Sa totoo lang, mas nahihirapan pa nga siya sa mga pinaggagagawa nito lalo na at maisipan. Ilang beses na niya itong nahuling palihim na humihithit ng sigarilyo at kahit pa nga putul-putulin niya at itapon ang mga natatagpuang mga stick ng sigarilyo na nagkalat sa buong kabahayan, hindi niya malaman kung paano pa rin ito nakakahanap ng paraan para makapanigarilyo. Nukunukan talaga ng tigas ng ulo!
Ngayon, siya naman ang trip nito. Ang hanapan siya ng lalaki na mapapangasawa. Ilang beses na rin siyang napahiya at kulang na lang ay lumubog siya sa kinatatayuan dahil sa tuwing may makikilala silang mga lalaking hindi nalalayo ang edad sa kanya, ang unang tanong agad ng matanda ay kung wala bang nobya o asawa ang mga ito.
“Pumasok muna tayo sa loob at nauuhaw na ako.” Tumigil sila sa tapat ng coffee shop na paborito ring puntahan ng abuela.
Inalalayan muna niya ito sa paborito nitong sofa bago dumiretso sa counter para um-order.
Habang naghihintay ng order niya ay nilingon niya ang kanyang abuela na noon ay may binabasang magazine. Halos magsalubong ang kilay niya nang mapatama ang tingin niya sa nakangiting mukha ng lalaking kinabubuwisitan niya na noo’y papalapit sa kanya.
‘Kapag mamalasin ka nga naman, oh!’ anas ng isip niya saka ito pilit na inignora.