NAPATIGAGAL si Amarantha nang lumuhod sa harapan niya si Timothy. Tila naumid ang dila niya at pakiramdam niya ay bigla siyang pinagpawisan nang malagkit. “In front of my mom, gusto kong patunayan sa iyo na mahal kita at gusto kong malaman mo na binago mo ang paniniwala ko nang dahil sa nararamdaman ko sa iyo. Because of the love I feel for you, I learned to forgive. I learned to accept. I learned to live better. That’s how positive my love for you is. I am willing to wait at hindi ako magsasawang maghintay because you are worth waiting for.” Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Nag-uumapaw ang saya niya sa dibdib at naluluha na siya sa ginagawa ng binata. Kahit pa nga sa dinami-rami naman ng puwedeng lugar na gawin ang bagay na iyon, dito pa talaga ito nagpaka-romantiko. Sa semen

