MAHIGIT isang linggo na mula nang ma-ospital si Lola Charito at halos araw-araw ay naroon si Timothy sa bahay nito. Si Amarantha, bagamat naroon pa rin ang pagiging aloof ay nabawasan naman ang katarayan sa kanya. “Good afternoon, Lola Cha!” bungad na bati niya sabay mano sa matanda nang pagbuksan siya nito ng gate. As usual, naroon ito sa front garden at nagbabasa ng pocketbook nang dumating siya. “Halika muna, hijo. Samahan mo muna ako rito. Mara is with Rita at bumili ng lulutuin for dinner,” balita nito sa kanya bago siya iginiya na maupo sa upuang bakal. “Talaga po? Sayang naman, Lola Cha. Gusto ko po sana kayong i-invite nina Mara at Rita na kumain sa labas,” may panghihinayang na saad niya. Nanlaki ang mata ng matanda pagdaka’y malapad na ngumiti sa kanya. “That’s a good idea,

