SHE wants us to get married... soon,” bagama’t alanganin ay malinaw na wika ni Timothy. Maang na napatitig sa kanya ni Amarantha at muntik pa nitong mabitiwan ang hawak na tasa ng kape sa pagkabigla. “P-Pakiulit nga ng sinabi mo,” kunot-noong anas ni Amarantha. Bakas sa magandang mukha nito ang labis na pagtataka at kagulumihanan. Timothy knew it was indeed a shock on her part as much as it was to him nang kausapin siya ni Lola Charito kaninang umaga sa ospital. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Ipinaliwanag ng matanda ang ibig nitong sabihin sa sulat, and she certainly believed na tadhana ang gumawa ng paraan para sila magtagpo ni Amarantha. Earlier that day at the hospital... “I want my dear Amarantha to live her life to the fullest. I don’t want her to follow my sisters’ footst

