Lumapit ako sa kanya. Napatingala siya sa akin nang maramdaman nasa malapit na ako. Napakainosente ng ngiti niya sa akin. "Nakakatawa, ngayon lamang ako nakapanood at naka-relax ng ganito," ika niyang may ningning sa mga mata at tila batang galak na galak. Lumapit ako at tumabi ng upo sa kanya. Umusog siya para may gap kami sa isa't isa ngunit lumapit pa ako. Hinila siya at inakbayan. "Just stay like this!" utos ko nang gumalaw siya para umalis sa pagkakaakbay ko. "Watch!" Wala siyang nagawa kundi sumunod. Nakayakap ang kamay ko sa kanya habang umayos siya ng upo para makapanood ng mabuti. Nakinood ako sa pinapanood niya ngunit hindi ako natatawa sa pinapanood niya bagkus, sa kanya ako natatawa dahil sa paghahikgik na ginagawa niya. Bungisngis rin pala siya kapag talagang nakakataw

