Natulog lang kami sa gabing iyon. Sobra ang pagpipigil ko sa aking sarili. Ayaw ko naman siyang pahirapan, isa pa, kailangan dahan-dahan. Baka mabigla si Liegh, hindi na namin matapos ang isang linggo. I know, parang napakasarili ko sa desisyong ito at tila ba pinaglalaruan ko ang kahinaang meron si Liegh--ang pagiging inosente niya sa ganitong bagay. I hugged her when we are sleeping. Ang pinakamatiwasay na pagtulog na naranasan ko sa dalawang taong nagdaan na puno ng agam-agam at bangungot. Takot sa kadiliman, takot na wala ng liwanag sa madilim na pagkakapikit ko. "Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko nang magmulat siya ng mga mata. Nakaharap siya patagilid sa akin. Nakayakap ang kamay niya sa beywang ko. Kanina pa ako gising at pinagmamasdan lamang siya. Napakagandang anghel. Kay

