Liegh Nangangatog ang tuhod kong mabilis na umalis sa harapan ni Rafael. Hindi ko pa rin kayang sikmurain ang galit ng mga mata niya. Alam kong sinabihan niya akong mag day-off. Hindi nga lamang talaga ako mapalagay dahil nag-aalala ako sa kalagayan niya. Ken was okay now, I think. Si Nanay Editha ang kausap ng doktor, wala naman sinabi na iba kaya sigurado akong ayos lamang si Ken. Nagawa pa nga niya akong asarin kaninang pag-uwi nila. Tulog muli siya nang magpaalam ako kay Nanay Editha na papasok kahit half day lang. May gagawin naman talaga akong trabaho, maliban sa itse-tsek ko ang kalagayan ni Rafael. Tatlong araw akong wala kaya siguradong tambak rin naman ang trabaho sa desk. Eleven thirty ng umaga nang nakarating ako sa opisina. Agad kong tinungo amg kusina at nagluto bago pu

