Rafael Galit na galit ako nang marinig ang pangalan ng kambal ko sa bibig ng babaeng pinapaligaya ko. Napatigil ako sa ginagawa at nagpupuyos sa galit na umalis sa ibabaw niya. "Go home!" sigaw dahil hindi matanggap ang narinig. Kahit ako na ang nasa harapan niya, kahit ako ang nagpapaligaya sa kanya! Ang kambal ko pa rin ang naaalala niya! Mabilis siyang umalis. Pinanood ko siya habang igting ang panga at nagngingitngit ang mga ngipin sa galit. Nanghihina man, nagawa kong magwala sa loob ng kuwarto. Ang mga unan at kumot ay initsa ko sa sahig. Maging ang tray at ang pagkaing naroon na dinala niya kanina ay nagkalat sa sahig. "Ah!" sigaw ko habang parang nauupos na kandilang napaupo. Sabunot ng dalawa kong kamay ang aking buhok. "Sana nawala ka na lang ng tuluyan!" sigaw ko habang hil

