I know, I've been unfair to the people who took us and been very helpful sa amin ni Rapha--sa pamilya ni Kristel na walang ginawa kundi isipin ang kapakanan namin. Bumalik ako sa silid ni Ken na ngayon ay may gana pang ngumisi sa akin. "Uwi na tayo, maayos naman na ako," ika niyang tinapik ang gilid ng kanyang kama para doon ako maupo. Inirapan ko siya pero sumunod naman. Umupo ako roon. Tapos ko ng pirmahan ang kinakailangan dokumento para sa pagkaka-admit niya. "Narinig mo ang sabi ng doktor. May mga kaukulan ka pang test na kailangang gawin bukas," sabi kong tipid na nangiti. "Okay na ako. Ikaw pa lang, gamot na ako," ika niyang nakapagpatigil sa akin. Napatitig ako sa kanya. Kung napapaalala sa akin ni Rafael si Raphael dahil sa kanyang mukha, naalala ko naman kay Ken ang u

