Natapos ang tawag na walang sinabi ang ina ni Leigh. Pananahimik at panay buga lamang ng hangin ang narinig ko. Ni hindi ko nagawang magsalita noong patayin na lablng niya bigla ang telepono sa kabilang linya. Sana maisip nila ang mga sinabi ko at mapagtantong tama naman ako. Kailangan nilang pakawalan ang anak nila para lumigaya. Sa akin man o sa iba. Lumabas ako sa likod bahay. Mabilis na lumipas ang oras at mag-aals dos na. Naupo ako sa gilid ng maliit na pool. Umihip ang malamig na hangin kasabay ng pagdampi ng mga paa ko sa tubig. Palamig na ng palamig dahil malapit ng mag-September. Nasa ganoon akong ayos at malalim na pag-iisip nang biglang may humawak sa likod ko dahilan ng aking pagkagulat. "Ay!" Sigaw ni Liegh nang hindi ko natantiya at dahil sa gulat ay nahila ko siya pabag

