Raphael "I think..." dagdag ko. Hindi sigurado dahil naalala ko si Xia. Pero 'di ko maalala kung nagkasama na ba kaming dalawa. I remember the feelings, but I can't remember the past of us. Kaya nga noong ibalita sa akin ni Micheal na ikakasal ang pinsan niya. Wala akong maramdaman na kakaiba. Biglang sumikdo ang puso ko nang makita ko ang biglang kalungkutan sa mga mata ni Liegh. Nalulungkot ba siya na isang linggo lamang ang magiging pagsasama namin? Mahina akong natawa. "Hayan! Kain na tayo, bebe!" saad kong pilit pinasaya ang boses ko. Nakatingala lamang sa akin si Liegh at nakatitig. Alam kong may gusto siyang sabihin. "Hindi ka ba naniniwala?" tanong ko. Siguro ay iniisip niyang nagsisinungaling ako. Fragments of my memories from the past keep haunting me. Bagay na ayaw ko na sa

