Humugot ako ng malalim na hininga bago ibuga iyon para matanggal ang anumang kaba sa dibdib ko. Kinakabahan ako habang pasilip-silip sa bintana kung nasa labas na ba si Raphael. Para akong pusang hindi mapaanak-anak sa pagpaparoo't parito. Palakad-lakad at natataranta. Kinukuwestiyon pa rin ang sarili kung tama ba ang naging desisyon ko? Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin na malapit sa pinto. Maayos naman ang itsura ko sa kulay asul na t-shirt at high-rise skinny jeans. Kasalukuyan akong nakatayo nang magulat ako sa biglang pagtunog ng doorbell sa bahay. Muli akong nagbuga ng hangin bago pinulot ang bag ko na nilagyan ng mga gamit at nagmamadaling binuksan ang pinto. Nanginginig pa ang mga kamay kong pinihit ang pihitan ng pinto at lalong kinabahan. Pilit akong

