Liegh Huminga muna ako nang malalim bago buksan ang pinto. Alam kong nakaabang na sa akin si Kristel sa loob. Halos dalawang gabi pa naman akong nawala at hindi siya kinontak. "Liegh! Oh my gosh, buti umuwi ka na!" Tama nga ako. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Halos ngumawa siya sa pag-iyak. "I'm sorry! Hindi ko alam na ganoon ang balak ng hinayupak na iyon. Akala ko talaga gusto ka niya..." "Shhh." Itinulak ko siya palayo sa akin. Hinawakan ang mukha niya at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. Halata ang pangingitim ng ibaba ng mata niya. Hindi siguro nakatulog sa pag-aalala sa akin. "Okay lang ako, Tel. Sorry kung hindi kita agad kinontak. Kailangan ko lang talaga makapag-isip." Hinila niya ako na naupo pagkatapos niya akong tanguan. Magkasabay at magka

